➳ inncnt_67

37 4 0
                                    

yesha's pov

8:39 a.m.

nagwarm up kami ng mga team mates ko dito ng madalian. mga nine kami magsisimula. hindi ko maiwasan na kabahan ngayon. pero nahahaluan din ng excitement. pagtapos namin magwarm up, isa-isa naman kaming kinausap ng aming coach. binibigyan niya kami ng advices.

"you need to focus, girls. wag niyo sayangin yung mga paghihirap niyo sa training. magaling yung kalaban niyo from other school." coach namin, "especially you, yesha.. alam ko naman na magaling ka. pero wag kayong magkampante, pwedeng bumawi at gumaling yung iba."

napatango lang naman ako at marami pa siyang may sinabi sa amin. nung tapos na siya, pwede na daw kaming pumwesto doon sa bench na nakahanda para sa amin. gumugulo na din dito sa loob ng gym. nakita ko din yung mga cheerleaders na naghahanda na. magpeperform din kasi sila, bago magsimula yung game. halo-halo na nga yung mga students dito from other schools. marami akong nakikita na mga unfamiliar faces dito.

yung mga ibang kasama ko, nagpaalam muna sa'kin na bumili ng pagkain sa canteen. nagugutom daw sila. syempre, pinayagan ko sila. maglalakad-lakad lang muna ako dito sa gym at inaayos ko lang yung suot kung volleyball uniform ko.

"babe!"

hinanap ko kaagad yung boses na tumawag sa akin bago lang. napangiti naman ako kaagad nung nakita ko si jax na papalapit sa'kin tsaka nagulat naman ako na bigla niya akong yinakap. this feels unreal.. pero masaya naman sa kalooban ko.

napangiti nalang ako at yinakap ko nalang din siya ng pabalik, "nagulat ako doon babe. But, thank you for the hug." sabi ko sa kanya.

bumitaw din kami at ningitian niya lang ako, "wala yun. gusto lang kitang yakapin. miss kita eh." sabi niya pa. hehe ang cute naman, bigla naging clingy si jax.

natawa naman ako, "sus. ikaw talaga. magkasama na nga tayo." sabi ko at napaupo naman kaming dalawa sa bench.

"kakadating ko lang dito sa school, medyo late na nga ako." natatawang sambit niya sa akin.

"okay lang naman, tsaka medyo malayo pa naman yung opening programme eh." sabi ko sa kanya.

"alam mo ba kung bakit matagal ako?" nakangiting tanong niya sa akin.

nagtaka naman ako, "hindi, bakit ba?" tanong ko sa kanya.

"secret ko sana sa'yo, babe. pero sige, para hindi ka maguluhan.. may binili ako sa'yo." amp, secret pa din. mas lalo lang akong naguluhan.

natawa naman ako, "anong binili mo?"

"haha secret babe. basta.. malalaman mo mamaya kapag binigay ko sa'yo pagtapos ng game niyo." nakangiting sambit ni jax sa'kin. "sana nga.. magustuhan mo yun." dagdag niya.

natatawa naman akong ginulo yung buhok niya, "ano ka ba babe, kung ano man yun. magugustuhan ko yun 'no. basta galing sa'yo babe." sabi ko sa kanya.

tsaka gagi 'to, pinisil-pisil niya yung pisngi ko >.< "sweet mo talaga babe." tsaka napapatawa lang naman ako habang ginagawa niya yun sa akin.

pagkatapos 'nun, tinanong niya naman ako, "what are you feeling right now? ngayon na."

huminga ako ng malalim, "eto.. excited pero kinakabahan. sana nga.. manalo kami tulad niyo, nanalo kayo."

mapailing naman siya at inakbayan niya ako, "don't be nervous, babe. kaya niyo yan at worth it naman yung mga trainings niyo. ilang beses na kayong nanalo. and.. wag kang papressure sa game niyo babe. yeah, focus.. pero mag-enjoy ka. just go with the flow." advice niya sa akin habang nakangiti siya sa akin.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now