➳ inncnt_92

46 4 0
                                    

sebastian's pov

"sabi sa akin ni mace.. kakausapin na daw ng mga school staffs at mga police si yvonne." sabi ko kay jax.

"ganun ba?" sabi niya at nakita kong tumayo naman siya, "pwede bang bantayan mo dito si yesha?"

"saan ka naman pupunta?" tanong ko sa kanya.

"babalik ako sa school. kakausapin ko lang si yvonne." seryosong sambit niya.

huminga ako ng malalim, "umupo ka na diyan, jax at wag ka nang pumunta doon. bantayan mo dito si yesha." sabi ko sa kanya. "hindi na deserve ni yvonne yung attention mo. hihingi lang yun ng tawad sa'yo kung kailan may nangyari na kay yesha. pwede pa nga na baka.. habulin ka lang lalo." dagdag ko.

"kahit ako nalang yung bumalik doon sa school mamaya." sabi ko sa kanya.

nakita ko namang huminga lang siya ng malalim at bumalik siya sa pagkaupo, "sa sobrang galit ko sa kanya, parang ayaw ko nalang makita yung pagmumukha niya. pero gusto ko lang siyang kausapin kung bakit kailangan niyang guluhin si yesha. bakit hindi nalang kasi ako yung pinatay niya?"

"sa ngayon.. dapat natutunan na ni yvonne na dapat nagtira siya ng pagmamahal sa kanyang sarili. binuhos niya talaga lahat sa'yo." sabi ko.

"i know. we just don't deserve each other. i don't know her mindset. she doesn't know acceptance." sabi niya at pagkatapos nun, may tumutunog na phone. napansin kong kay jax pala yun. may tumatawag sa kanya.

nakita ko namang tumayo siya at agresibo niyang sinagot yung phone call, "hello yvonne?! ano pa bang kailangan mo sa akin?! hindi pa ba sapat sa'yo nung nangyari kay yesha?!"

napapikit lang naman ako ng tuluyan dito. nahihibang na talaga si yvonne. may dinamay na nga siyang buhay ng tao, ayaw niya pang tantanan si jax.

"jaxvier.. i know yesha will die. please? pwede bang ako na lang?"

nakaramdam naman ako ng matinding galit nung narinig ko yun galing sa kanya. anong klaseng mindset bang mayroon si yvonne? wala man lang siyang kahit konti lang na konsensiya sa nangyari ngayon kay yesha. ang sobrang selfish niya.

"what the fuck, yvonne?! may nangyari na nga kay yesha, ayaw mo pa din akong tigilan?! hanggang ngayon ako pa din ang iniisip mo?!" galit na tanong sa kanya ni jax. "wala ka bang isip?!"

"i don't care! she deserves to be die! remember that i won't stop for you, jax! so come back to me jax.. she will die! wala ka ng magagawa kundi bumalik ka na sa akin!"

pigilan niya akong makapatay ng tao ngayon, parang awa niyo na.

"grabe yvonne. ang sobrang selfish mo. napakaselfish mong tao! wala kang konsensiya at mukhang wala ka lang pake sa nangyari kay yesha! akala mo ba ikakatuwa ko 'tong nangyari ngayon?!"

"yes.. you should be happy. kasi wala na siya at.. magiging masaya na tayong dalawa. puro nalang kasi si yesha yung inaatupag mo eh nandito naman ako!"

"pero hindi ako masaya yvonne! mas lalo mo lang akong ginalit! paano ako magiging masaya kapag ganito ang nangyari kay yesha?! alam mo bang tinitiis nalang kita kasi ang sobrang makasarili mo?! sumusobra ka na talaga yvonne.. hindi na talaga kita kayang pigilan!"

"tulad nga ng sinasabi ko sa'yo, yvonne.. kahit anong gawin mo sa akin.. hindi na kita mahal! noon yun! paulit-ulit nalang ba talaga tayo dito?! hanggang sa huli, magpapakatanga ka pa din sa akin?! tangina yvonne! wag kang tanga! stop your crazy attitude! pati si yesha nadadamay sa kabaliwan mo!"

innocent | nininiWhere stories live. Discover now