➳ inncnt_86

47 3 0
                                    

sebastian's pov

"ma, alis na po ako." paalam ko kay mama at hinalikan ko siya sa pisngi niya.

ningitian niya naman ako at tumango siya, "sige. maglalakad ka lang ba?" tanong niya sa akin.

"opo ma. para hindi gastos sa pamasahe. ang lapit-lapit lang naman." natatawang sagot ko sa kanya.

"sige.. mag-ingat ka sa daan ha." bilin niya sa akin.

"opo, bye na ma." paalam ko sa kanya bago ako lumabas sa aming bahay.

"bye sebastian."

lumabas na talaga ako sa bahay at papunta na ako sa school. mas trip ko talagang maglakad kesa magcommute. ewan ko, maraming ayaw maglakad-lakad. bet ko lang makalanghap ng sariwang hangin habang naglalakad.

pumasok naman si yesha sa isipan ko. napapangiti nalang ako dito basta-basta. isang araw pa lang siyang nawawala, namimiss ko na siya. mabuti naman papasok na siya ngayon.

nandito na ako sa highway, medyo malapit na ako sa aming school. kaya lang napansin ko na may mga students pa na nasa daan. naririnig ko pa na may nagbubulungan na mga students.

"hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari, it feels unreal!"

"oo nga eh, nakakakilabot makita!"

"sshhhh! ano ba kayo! let's just pray na maayos yung lagay niya!"

"yes, i feel so bad."

tapos hindi ko na kaagad narinig yung pinagusapan nila. pinatuloy ko nalang ang paglalakad ko. what are they talking about? i guess, it's about someone. baka may nangyari.

"who is she?!"

"tanga, tagal-tagal mo na dito hindi mo yan kilala?!"

"gago! makikilala ko pa ba siya sa lagay niyang ganyan?!"

"oh no! hindi mangyayari yan!"

"somebody call some help!"

"where's his boyfriend ba?! omg he's not even here!"

nabigla naman ako dahil palakas nang palakas yung mga sigaw na naririnig ko. it's unsentified noises from students infront of our main gate school. mukhang may pinapagitnaan sila doon. kaso hindi ko makita kung sino yung iniingayan nila dahil natatakpan siya ng mga students.

may nangyari ba? sino kaya yun?

because curiousity is really killing me right now, i managed myself to look if what's happening. nung lumapit lang ako doon, mas lalo lang akong naguluhan. karamihan ay nabibigla at naguguluhan. wala naman akong karapatan.. pero parang may tumutulak sa akin na dapat kong alamin.. at kilalanin yun.

siniksik ko ang sarili ko dito sa mga students. nantulak pa nga ako para lang makaepal. pakialamero ako at gusto kong mapunta sa unahan para lang malaman yung pinagguguluhan nila.

nung nakarating na ako doon, agad naman akong napatingin doon sa taong pinaguusapan nila kanina pa. hindi ko nga siya makilala dahil sa duguan yung mukha niya. halos tumigil ang mundo ko nung tinignan ko siya ng matagal at nakilala ko yung tinutukoy nila. nanlaki ang mata ko nung nakita ko siyang nakahigang duguan at walang malay sa sahig. hindi ako makapaniwala. anong nangyari kay yesha?!

"ye.. yesha?" nauutal na tawag ko sa kanya habang natutulala sa kanya. napahawak pa ako sa bibig ko. bakit ganyan siya?

natataranta akong napaharap sa mga taong nandito, "anong.. nangyari sa kanya?!" tanong ko sa kanila.

"nabiktima ng car accident si yesha. tumatawid siya ng daan tapos hindi niya namalayan na may nagpapatakbo ng kotse na sobrang mabilis. so.. yung nangyari nabangga siya." kwento ng senior high student.

napatingin naman ako doon sa kotse na yun. hindi ko naman mapigilan mapaiyak ng dahil sa nangyari. nangyari lang pala ng dahil sa car accident. bwisit na aksidente na yan, bakit pa pinagtagpo pa sila ni yesha.

"sino ang nakabangga?" tanong ko sa kanila na naiiyak.

"hindi namin alam, ayaw bumaba nung nakabangga eh."

huminga ako ng malalim at umalis ako doon. malakas ang loob kong nilapitan si yesha. wala man lang kahit ni isa ang kumuha sa kanya. siya ay pinaguusapan at pinagtitignan lamang ng tao. kahit boyfriend niya mismo wala din dito.

may alam ba si jaxvier dito?

"yesha.. wag kang mawalan ng pag-asa. kakayanin mo 'to." naiiyak na sambit ko habang hawak-hawak ang kamay niya at nakatingin sa kanya na walang malay. "please, aksidente lang 'to. wag namang ganito." dagdag ko.

"yan sir! si yesha ahn po!" dinig kong sambit ng isang estyudante at nakita ko nalang na may dumating na ambulance.

bigla naman akong tumayo nung nakita kong may lumapit na mga tao. nakita naman namin na kinuha na si yesha sa sahig at ipinasok na siya sa ambulance. balak ko sumama sa kanila para kay yesha. kaya lang naaalala kong.. nandito pa din yung kotse na nakabangga kay yesha.

naiinis naman akong lumapit doon at padabog kong hinampas yung pintuan ng kanyang kotse, "lumabas ka kung sino man ang may gawa neto! bakit hindi ka ba nag-iingat sa pagmamaneho?! may nabangga ka tuloy!" sigaw ko sa kanya pero hindi niya pa din magawang lumabas.

sinipa ko yung pintuan ng kotse niya, "tatawag ako ng pulis! isa!"

tsaka sa wakas, binaba niya yung windshield ng kotse niya. halos nanlaki ang mata ko at mas lalo akong nagalit ako nung nakita ko yung pagmumukha ng nakabangga kay yesha.

napakawalang hiya talaga ni yvonne.

nung nagtama ang mata namin, halos nabigla din siya. mukhang hindi din siya makapaniwala sa nangyari. pero wala, nangyari na eh. ang tanga-tanga kasi ni yvonne. aksidente ba talaga o sinadya niya?! kahit ano man yan, kasalanan niya pa din! hindi niya man lang inisip yung buhay ng tao kapag nagmamaneho siya ng mabilis!

sinamaan ko siya ng tingin, "hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo, yvonne." seryosong sambit ko sa kanya at iniwan ko na siya doon. sumama na ako doon sa ambulance para papuntang hospital.

imposibleng aksidente lang yun. sinadya niya talaga yun. alam na alam niyang maraming tumatawid na students kaya dapat nag-iingat siya!

hindi ko inaakala na gusto ding tapusin ni yvonne ang buhay ni yesha. akala ko kasayahan niya lang ang papakialaman niya..

pati din pala buhay niya.

-

sheesh sorry kung ampanget
ng update

innocent | nininiWhere stories live. Discover now