➳ inncnt_137

34 2 0
                                    

yesha's pov

"tita emily, ano na naman ba 'tong binabalak mo sa amin?!" malakas na sigaw ni jaxvier.

hindi niya sinagot si jaxvier at tinitigan niya lang kami na galit. pero nilipat niya ang tingin niya sa mga lalaking kasamahan niya at parang may ibigsabihin yung tingin niya sa kanila. gusto kong makaalis na kami dito pero nahuli pa din kami.

bigla naman kaming kinuha ng mga tauhan niya sa dahilan na napasigaw ako, "bitawan niyo ako!" sigaw ko sa lalaking humihila sa akin. pero inupo niya ako sa upuan at may hinanda siyang kutsilyo banda sa leeg ko sa dahilan na napapaiyak at natatakot ako.

"tangina! wag mo siyang guluhin! subukan mo!" galit na sigaw ni jax at napatingin naman ako sa kanya. may lalaki ding nakabantay sa kanila ni sebee na aakma silang sasaksakin ng kutsilyo sa kanilang leeg.

"ano 'to, tita emily?! ano 'to?!" galit na tanong ni jaxvier kay tita emily na kanina pang nakatitig sa amin.

"hindi niyo ba nahahalata na gusto ko kayong patayin?!" sigaw niya sa amin at lumapit naman siya sa puwesto namin at tumawa siya, "maghihiganti ako para sa anak ko." dagdag niya.

"sa tingin mo ba ikakatuwa ng anak mo na ginagawa mo 'to sa amin?" dinig kong tanong ni sebastian sa kanya.

"isa ka pa! ang pakialamero mo! kaya kita dinamay kasi iniinis mo ako nung oras na nasa mental hospital tayo!" sigaw niya kay sebee. "bakit niya naman ikakalungkot kung namatay yung mga taong nagbigay ng sakit sa kanya? syempre, sasaya siya!" sigaw niya.

"ang lala mo na sa totoo lang. dahil ba sa galit ka sa amin, kaya mo ng gawin sa amin 'to? bawian kami ng buhay?" naiiyak kong tanong sa kanya at tinignan niya naman ako ng masama. "sa tingin mo ba tama yun? oo, ikakatuwa mo. pero paano kami? pag nawala kami? may mga pangarap pa kami."

"hindi mo man lang ba kami mapatawad? habang buhay ka nalang bang galit sa amin?" naiiyak kong tanong sa kanya.

"wala akong pakialam!" sigaw niya sa akin. "oo! yun naman ang bagay sa inyo! sinira niyo ang anak ko! hindi ganun kadali sa akin yun! kita niyo naman di'ba na hindi pa siya gumagaling hanggang ngayon?!"

"mas mabuti nalang na mawala na kayo para tuluyang gumaling yung anak ko!" sigaw niya sa akin.

"wala kang awa!" sigaw ko sa kanya.

nagulat naman ako na may nilabas siyang baril at bigla niyang itinutok sa akin yun. pabilis nang pabilis yung tibok ng puso ko ngayon. hindi naman ako makagalaw dahil may baril at kutsilyo na nakatutok sa akin ngayon.

"bakit?! kayo?! naawa ba?!" sigaw niya sa akin habang tinututok niya ang baril sa akin. mas lalo lang naman akong naiiyak dito.

"ako nalang ang patayin mo! wag mo silang damaying dalawa!" nagulat naman ako na sinabi yun ni jax.

"ano bang pinagsasabi mo?! nababaliw ka na ba?! sa tingin mo ba gusto ko yun?!" sigaw ko kay jaxvier at napatingin naman ako uli kay tita emily. "please.. wag mo nalang gawin 'to sa amin. maawa ka naman sa amin." dagdag ko.

"kung may balak kang patayin sa amin, ako nalang nga. pinagbibigyan na kita. ako nalang yung pahirapan mo dibale ako naman ang nagsimula ng lahat." malamig na sambit ni jax. "patayin mo na ako!"

"ano ba!" sigaw ko. "sa tingin mo ba makakaya ko yun?! baliw ka ba?!" tanong ko sa kanya habang umiiyak.

"mas hindi ko makakaya na ikaw yung patayin niya. handa akong isakripisyo yung buhay ko para sa'yo." sabi niya sa akin at naiiyak na din siya, "hindi ko kayang makita na nahihirapan ka.. kaya ako nalang." dagdag niya.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now