➳ inncnt_167

31 0 0
                                    

yesha's pov

padabog kong tinago yung phone ko. pinunasan ko yung mga luha sa mukha ko. pero hindi pa din ako tumitigil sa pag-iyak. isipin niyo parang maliit na bata ako ngayon. hindi ako natutuwa sa inaasta ni jaxvier eh. nagtatampo na talaga ako sa kanya.

nasaan na ba kasi siya?!

ah, basta. bahala siya diyan. ayaw ko na siyang kausapin. masyado na akong napipikon. tinatawanan pa nga ako! >< ang bad niya. mukhang hindi siya sincere sa'kin. hindi pa nga nagpapakita.

tsaka kalokohan daw? anong kalokohan naman? tsk. naiinis na ako. ><

huminga ako ng malalim at pinatuloy ko nalang ang paglalakad ko palabas sa campus. pag makita ko siya, bahala siya diyan. hindi ko talaga siya papansinin.

"kainis ka." mukmok ko dito habang naglalakad. paulit-ulit ko nalang na pinupunasan yung mga luha sa mata ko.

pero maya-maya, nabigla ako na may biglang may yumakap sa akin mula sa likod ko ng mahigpit. back hug kumbaga. >< sino naman 'to? ang bango niya. kyaaaaahh~

okay, kilala ko 'to. si jaxvier lang naman pala-- si jaxvier 'to?!

tumawa siya ng mahina at bumulong siya, "hi babe."

dahil doon, mabilis akong humiwalay sa yakap niya at hinarap ko siya. nung nakita ko siya, mas lalo lang naman akong naiyak. pero nakita kong natatawa lang siya sa'kin.

"nakakainis ka! anong nakakatawa?!" tanong ko sa kanya at sinimulan kong paghampasin siya sa kanyang dibdib. hindi niya man lang ako pinipigilan at parang okay lang sa kanya. >< pero tinatawanan niya ako. kainis!

tumigil na ako sa kakahampas sa kanya at pinunasan ko yung mga luha ko, "bakit ngayon ka lang nagpakita?!" naiinis na tanong ko sa kanya. pero ningitian niya lang ako.

dahan-dahan siyang lumapit sa'kin at niyakap niya ako. lalo naman akong naiyak doon. nakakainis siya! akala ko hindi na siya magpapakita at hindi ko na siya makikita!

"sorry na." sabi niya at natawa na naman siya.

hindi ko mapigilan na yakapin siya ng pabalik, "kainis ka naman! bakit ngayon ka lang nagpakita sa'kin?"

bumitaw kami sa isa't isa at tinignan ko siya ulit. pinunasan niya naman yung mga luha sa mata ko, "sorry na. sobrang miss mo ba ako?" nakangiting tanong niya sa'kin.

"sa tingin mo ba hindi?! syempre, oo!" sagot ko sa kanya. pagkatapos, tinawanan niya naman ako. grabe, ang bad!

"nakakatawa? parang hindi ka naaapektuhan." naiiyak kong sambit sa kanya.

"sorry na babe. di ko naman kasi inaakala na magiging ganyan ka. ipinagsisihan ko na nga kasi." paliwanag niya. nagtaka naman ako bigla. pumasok naman kaagad sa isipan ko yung 'kalokohan' na sinabi niya sa chat.

"ipinagsisihan na ano?" tanong ko sa kanya.

"na iniwasan kita ng buong araw. potek, hindi ko yun nakaya." sagot niya. iniiwasan niya naman pala ako.

"anong hindi? kulang nalang nga na hindi ka magpakita sa'kin ngayon para ayos na. bakit mo ba ako iniiwasan, babe? may kasalanan ba ako sa'yo?" tanong ko sa kanya. napaiwas naman siya ng tingin sa'kin at nakita kong napakamot siya sa batok niya.

"babe.. ayos lang na sapakin mo ako sa rason ko. sobrang nonsense." sabi niya. dapat ba akong kabahan o hindi? suspicious yung 'nonsense' na sinasabi niya.

"ano kasi? kainis ka!"

ningitian niya pa ako. shet, nagpapacute pa sa akin 'to kahit nagtatampo na ako. cute naman talaga siya. >< pero nagtatampo pa din ako sa kanya.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now