➳ inncnt_105

40 3 0
                                    

jaxvier's pov

"baka hindi ka pa kumakain, sebastian. may pagkain dito oh." sabi ko sa kanya.

"hindi, okay lang. salamat. kumain na ako doon sa school bago ako pumunta dito." sagot niya at napatango lang naman ako doon.

"mabuti naman.." yesha. "babalik ka pa ba sa school mamaya?"

"ah, oo. medyo madali lang ako dito. babalik ako dun para sa afternoon discussions." sebastian.

"grabe oh, ayaw talagang umabsent. hakot mo na lahat na medals at perfect attendance diploma sa school natin." natatawang biro ko sa kanya.

"hindi naman, jax. grabe ka."

"nga pala, sebee. alam ko marami na akong namissed sa mga.. lessons natin." sabi niya. "pwede ba pag gumaling na ako, tulungan mo ako doon? pasend ng mga reviewers." dagdag niya.

classmates yan silang dalawa sa junior high. nauna kasi ako ng isang taon. yan, mas mauuna akong gragraduate sa kanila. senior high na ako.

natawa naman si sebastian sa sinabi niya, "grabe ka talaga, yesha. kahit ganito yung sitwasyon mo ngayon, naaalala mo pa din yan. kalimutan mo muna yun kasi.. excused ka naman. tsaka isa pa, tutulungan naman talaga kita." sabi niya. "wala pa namang exams eh so safe pa naman."

ningitian naman siya ni yesha, "sige, thank you ha."

parang ako mismo yung nagmumukhang thirdwheel dito ha. joke lang. wala kasi akong masabi. ewan ko.

pagkatapos, nakita ko naman si yesha na napatingin sa akin at ningitian ko lang naman siya.

"babe?"

"ano yun babe?" tanong ko sa kanya.

"pwede ba nating ipagpatuloy yung pinag-uusapan natin kanina?" tanong niya sa akin sa dahilan na nagtaka ako bigla.

"mag-uusap pala kayo. alis na ba muna ako?" sabi ni sebastian at pinigilan naman siya ni yesha.

"hindi. ayos lang na makinig ka samin, sebee. wala namang masama doon." sabi ni yesha sa kanya. ano ba pinag-usapan namin kanina? makalimutin talaga akong tao eh. sa dami na ng pinag-usapan namin dito eh.

teka.. wag niyang sasabihin yung tungkol ba sa-- akala ko umalis na yun sa isipan niya. pero yun nga ba?

"ano ba yun babe?" tanong ko sa kanya.

huminga siya ng malalim, "about yvonne." sagot niya. taena sabi na nga ba talaga. bakit pa namin yun pag-uusapan?

"alam ko naman na siya yung inspirasyon mo kung wala ako sa buhay mo ngayon eh. mahal mo nga. okay lang naman yun sa---"

pinutol ko siya at hinawakan ko ang kamay niya, "hindi. mahal ko siya.. noon yun. pero ngayon, ikaw na. ang laki ng pagkaiba nun." sabi ko sa kanya at tinititigan ko siya sa mga mata niya, "can we please stop talking about her? wala na akong pake sa babae na yun. i don't like hearing her name coming from your mouth." seryoso kong sambit sa kanya.

"first love ko yun pero hindi ko siya naging inspirasyon sa buhay ko. you're the only one who inspired and motivated me to different obstacles."

"nagkamali lang talaga ako na nahulog sa kanya kasi hindi ko pa siya gaano kilala. i actually regret falling in love with her and especially, i regret playing your heart." i added.

"but babe.. let's forget it all. don't remember that person anymore. don't overthink. if you think that i still have connections with her.. i swear, wala na. wala na akong planong tumingin sa katauhan ng babae na yun."

innocent | nininiWhere stories live. Discover now