➳ inncnt_158

28 0 0
                                    


yesha's pov

"ano? ayos na ba kayo?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"ah.. hindi." sagot niya sa dahilan na parang nakulangan ako. hindi pa pala. :(

"bakit naman?" tanong ko sa kanya.

"ganito kasi.. nagkasalubong kami kanina sa hallway. potek awkward nga dahil nagkatitigan pa kami ng sandali.. kakausapin ko na sana kaso tumakbo siya ng mabilis palayo sa akin. hindi ko nalang kinulit, obvious namang iniiwasan niya ako." paliwanag niya.

huminga nalang ako ng malalim, "sabagay. paano kayo magkakaayos? alangan naman forever ka niyang iiwasan? hindi ako sanay sa inyo."

"yun nga.." sabi niya at tumawa siya ng mahina, "pero gusto kong magkaayos na kami kaagad. hindi din ako nasasanay at.. parang nababaliw din ako. hindi ko yun titigilan, syempre.. ako yung may rason." nakangiting sambit niya.

nung sinabi niya yun, kinilig naman ako dito. kinikilig naman ako para kay mace. mahal ni mace si sebee. hihihi! shhhh lang muna!

"sige sebee. kaya mo yan. ikaw pa, talagang sensitive lang yung tao. kaya ganun. alam mo naman si mace." sabi ko sa kanya at napatango lang naman siya, "nagseselos sa inyo ni lorraine. ayiieeeee!" asar ko sa kanya.

curious ako, naisip niya bang mahal na siya ni mace? nako.. sana hindi siya manhid tulad ako. di'ba? naging manhid ako kay sebee dati. ><

natawa naman siya, "oo nga. sinabi ba namang nagseselos pero walang feelings sa akin? hindi naman sa nag-aassume ako na meron, pero ano yun? nagseselos pero walang feelings sa'kin?"

"sinabi pa nga niyang nagseselos siya as a friend. doon ako natawa." sabi niya. ha? nagseselos as a friend? ><

"sus, naniwala ka naman? malay mo nagsisinungaling. imposible na aamin yun kaagad. hintayin mo." sabi ko sa kanya.

hehe, akala mo talagang wala akong alam. >< syempre, baka magalit sa akin si mace pag pinaalam ko pa talaga kay sebastian about sa.. mahal niyaaaa!

"kaya nga. dun ako natawa. di'ba? pag wala siyang feelings sa'kin.. dapat hindi siya apektado at nagseselos?" natatawa niyang tanong sa akin at napatango nalang ako.

"pero hindi naman natin talaga alam. siya lang mismo ang nakakaalam yun." nakangiting sambit ni sebee. "pero hindi talaga ako sanay na iniiwasan niya ako. kaya nga.. inaayos ko na ngayon."

"sinabi ko pa nga sa kanya na dapat hindi niya ako iniiwasan kung talagang di niya ko mahal. pero, iniwasan ako kaninang umaga. leche, pwede na bang mag-assume na mahal niya talaga ako? ramdam kong nagseselos pa din."

talagang mahal ka naman ni mace.

kahit pala hindi sabihin ni mace sa kanya, nararamdaman din pala ni sebastian.

natawa naman ako sa sinabi niya, "sus! malay mo!"

"basta.. pupuntahan ko yun mamaya." nakangiting sambit niya sa akin. "tsaka alam mo, yesha? kung mahal niya man ako, masaya ako doon. willing din akong mahalin siya."

"hindi naman ako natatakot magmahal ulit. isa pa, may natutunan na ako simula nung minahal kita nung una. sobrang mahal kita, pero natuto akong pakawalan ka dahil naiintindihan kong.. hindi ka para sa akin at hindi din ako para sa'yo."

"tsaka.. siguro, may tamang tao nga para sa'kin." nakangiting sambit niya sa'kin.

hindi ko naman mapigilan na mapangiti sa sinabi ni sebastian. sa totoo lang? kung wala si jaxvier sa mundo na 'to, malamang siya na ang nagustuhan ko. like?! ang sobrang rare niya. ang bait-bait niya! ><

napatango naman ako, "that's right, kaya nga hanggang ngayon.. may connection pa din tayo kasi sobrang gusto ko yung ugali mo. hindi ka tulad ng iba na.. gustong bumawi para lang mapasayo yung gusto mo." sabi ko.

"oo naman. hindi naman ako desperado tulad ng iba. tsaka.. nagmumukha akong tanga pag ginagawa ko yun, sinasaktan ko lang yung sarili ko." sabi niya.

"and mace? okay lang siya sa'kin. isa pa, sobrang komportable ako sa kanya. napapaisip nga din ako minsan kung.. nagugustuhan ko na siya.. kasi.. ang sobrang saya niyang kasama. pero ganto lang siguro kasi sobrang close na kami. best friends, kumbaga." kwento niya.

"best friends? talaga ba?" natatawa kong tanong ko sa kanya.

tumango siya, "oo naman. pero yun nga.. kung mahal niya ako, hintayin niya lang ako. mamahalin ko siya ng.. pabalik." nakangiting sagot niya sa akin. "hindi nanan yun mahirap, libre namang magmahal sa tao.. di'ba? susuklian ko nalang nga pag.. totoo man yun."

so paano kung sasabihin ko dito na mahal pala siya ni mace? so mamahalin niya na yun ng pabalik? yieeeeeee! kinikilig ako sa kanila!

"go, sebastian! time mo ng magkaroon ng lovelife! ship ko kayo ni mace!" cheer ko sa kanya at natawa naman siya sa akin.

"hehe, thank you.. yesha. inspiration talaga kita hanggang ngayon. maliban sa minahal kita noon, parang best friend kita kasi ang supportive mo." nakangiting sambit ni sebee sa akin.

"anuba, wala yun 'no! tsaka talagang best friends tayo. tsaka.. panatag naman yung loob ko sa'yo simula nung una pa lang. ang supportive mo din sa'min ni jaxvier."

"wala yun, yesha. gusto ko lang na maging masaya kayong dalawa." awwwww. ㅜㅜ mabait talaga 'toooooo! swerte ni mace dito sa lalaking 'to. ><

"now.. it's now your time to be happy. kaya.. suyuin mo na si mace. alam kong iniisip ka nun ngayon." asar ko sa kanya at natatawa naman siya ng tuluyan.

"feel ko nga din." natatawa niyang sambit at tumayo siya. "pwede ko na ba siyang puntahan doon?" tanong niya sa'kin.

tumango ako, "oo naman!" sagot ko. "kwentuhan mo ako kung ano nangyari ha?"

"sige, sure! bye, yesya." paalam niya sa akin at kinawayan niya naman ako.

napangiti ako at kinawayan ko din siya ng pabalik, "bye!" at nakita kong lumabas na talaga siya. tinignan ko naman yung oras. 11:39 A.M. na pala?

kanina pa pala yung recess nina jaxvier! >< tsaka hindi niya pa ako pinuntahan dito sa aming room. tinignan ko naman yung phone ko at kung may reply siya sa akin. hala.. wala siyang seen pero active naman siya.

-

jaxvier parkactive now

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

jaxvier park
active now

yesha:
hi babe? recess niyo
na palaaaaa!

yesha:
huy bakit hindi ka
nagseseen? busy ka ba?

yesha:
nasaan ka baa?? :((

yesha:
puntahan nalang kita
diyan sa room niyo hehe

-

pupuntahan ko nalang siya dun sa room nila. baka sabihin niyong sobrang oa ako ha. miss ko lang si jaxvier. tsaka nag-aalala din ako kasi hindi siya nagrereply. nag-ooverthink na naman ako. >< baka sadyang busy lang talaga siya.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now