➳ inncnt_72

40 2 0
                                    

yesha's pov

hindi ako makalagaw sa naabutan kong eksena ngayon. umiiyak lang naman dito. nakatingin lang ako sa kanila at halos nabigla silang dalawa nung nakita nila na nandito ako.

akala ko ba babawi na si jaxvier sa akin?! sabi niya ako lang?! sabi niya hindi niya na ako lolokohin ulit?! he promised me that and i expected his words. pero bakit hanggang ngayon, si yvonne pa din?!

masakit makita na naghahalikan silang dalawa.

nakita ko lang naman na ningitian lang ako ni yvonne, hindi ko naman mapigilan na samaan siya ng tingin, "oh, hi yesha. just cry. i'm here to say that i'm the one who really jax loves." sabi niya sa dahilan na mas lalo akong naiyak.

bakit ba ginagawa ni jax 'to sa akin?!

"shut up! don't listen to her, babe!" sigaw ni jax at bigla niya akong nilapitan. wow! HAHAHAHAAHA! mukhang nag-aalala pa siya sa akin ngayon. wala na dapat siyang mag-alala dahil mas sinaktan niya ako ngayon.

"babe, I will explain everything---"

hindi ko siya pinatapos dahil sinampal ko siya ng sobrang malakas sa kanyang pisngi. naiiyak lang naman ako habang nakatingin sa kanya at siya ay halos natigilan rin. halos hindi din siya nakapagsalita.

"pagod na ako, jaxvier! ang sobrang napakasinungaling mo! nagtiwala ako ulit sa'yo na hindi mo na ako lolokohin! pero mas lalo mo lang akong sinaktan! pinangako mo yun sa akin, jaxvier eh! umasa ako ng sobra na ako nalang simula ngayon! pero ano yung nakita ko?! ang sama-sama mo!" sigaw ko sa kanya. "gusto mo ba akong masaktan, jaxvier?! bakit?! porque inosente at naiintindihan kita lagi, hobby mo na akong saktan?! hindi ka ba nakukuntento sa akin?!"

"kaya mo ba ako pinapunta dito kasi ayan ang regalo mo sa akin?! bibigyan mo ako ng sakit?! ang makita kayo ni yvonne na magkasama?! ang saya niyo na di'ba?! dahil nasaktan niyo naman ako!"

"yesha, no---"

"ayaw na kitang pakinggan, jaxvier. masyado ng masakit. inintindi kita sa lahat kasi mahal kita. pero ngayon? ayaw ko na magpaloko mismo sa taong mahal ko." sagot ko habang umiiyak at tinuro ko silang dalawa.

"magsama kayong dalawa ha? sana masaya na kayo." nakangiting sambit ko sa kanila at tumalikod na ako para lumabas sa locker room.

tumakbo ako pero nabigla ako nung nahabol niya ako at bigla niya naman akong kinulong sa yakap niya mula sa likod ko. umiiyak na din siya.

please.. not this time. ayoko na.

"yesha naman, let's talk---"

bumitaw ako sa yakap niya at hinarap ko siya, "don't follow me, jaxvier. please, pagod na ako. gusto ko nang magpahinga. wag mong dagdagan." kalma na sambit ko habang umiiyak at tuluyan na akong tumakbo palabas sa locker room at mas lalo lang naman akong umiiyak. how can i focus on our game later? nakakabaliw!

akala ko ba hindi na yun uulitin ni jax? akala ko ba pinangako niya na yun... sa akin?

i'm scared to trust people from now on. i think i have a trauma for trusting people easily, trust issues. even on jaxvier.. i guess, i can't trust him anymore. i'm scared that he will break it again.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now