➳ inncnt_164

24 0 0
                                    


yesha's pov

what time is now?

it's already 5:11 p.m.

uwian na namin, actually bago lang. nakita ko naman na lumabas na yung ibang kaklase ko. walang gana ko naman inayos yung mga gamit ko dito. pagkatapos, tumayo ako at lumabas na ako sa aming room.

tinignan ko naman yung phone ko, nakakainis! gusto ko na talagang umiyak kanina pa. wala pang reply si jaxvier. hindi ko siya nakikita kanina pa. nag-aalala na talaga ako. hindi na ako natutuwa. hindi niya man lang ako napuntahan.

sana sinabi niya sa'kin na magiging busy siya or ano. yung hindi para akong nanghuhula kung ano na ang nangyayari. pero sana nga.. busy lang talaga siya at nakalimutan niya lang nasabi sa akin.

"saan ka na ba, babe?" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad ako dito sa hallway. gusto ko na talagang umiyak dito, kanina pa.

sobrang miss na miss ko na siya eh.

"yesha!" may tumawag sa akin. napaharap naman ako sa kanya, si sebee lang naman pala.

ningitian ko siya, "uy! hello!" sabi ko sa kanya. "ano? pupuntahan mo ba si mace?" tanong ko sa kanya. yun sabi niya sa akin eh, pupuntahan niya daw si mace.

parang manliligaw lang eh 'no? yiieeeee!

tumango naman siya, "oo. hehehe. iniwan ko siyang natahimik kanina. nabigla ko yata. pero ayos lang, kaya ko naman yun." natatawang sambit niya.

"kaya yan! baka akala niya nananaginip lang siya." natatawang sambit ko sa kanya.

"kaya nga," sebastian,"hindi ka pa din ba pinuntahan ni jaxvier? hapon na ah." sabi niya at huminga nalang ako ng malalim.

"ah, oo. hindi pa din kami nagkikita. baka nga, busy lang talaga yun." sabi ko sa kanya.

"tiwala din akong busy lang yun. baka nakalimutan lang na sabihin sa'yo. tsaka alam kong pupuntahan ka na nun pag hindi na siya busy." nakangiting sambit niya sa'kin.

"oo nga. kanina pa akong nag-aalala sa kanya." sabi ko.

"miss mo na ba?" tanong niya sa akin na nakangiti.

tumango ako at ngumiti ako, "syempre miss ko yun! hindi ako sanay na hindi siya kasama." sagot ko at napapatango lang naman siya.

"naks! magpapakita yun, yesha! hintayin mo siya." nakangiting sambit niya sa akin. tinanguan ko nalang siya. medyo di ko kuha yung sinabi niya. ewan, HAHAHA!

"sana magpakita pa sa'kin yun. masasapak ko talaga yun." sabi ko at natawa naman siya ng tuluyan.

"grabe naman, miss mo na nga tapos sasapakin mo pa?" natatawang tanong niya sa'kin.

"oo naman! pinag-aalala niya ako. kainis siya." sabi ko sa kanya.

"pero ikaw lang ba mag-isa ngayon na uuwi?" tanong niya sa'kin.

i nodded, "syempre. wala si jaxvier eh." sabi ko.

"gusto mong samahan na kita?" alok niya sa akin.

napailing naman ako, "wag na, okay lang sebee. kaya ko naman ah. tsaka.. unahin mo na si mace. hinihintay ka na nun. ayiieeeee!" kinikilig na sambit ko sa kanya.

tapos napangiti naman siya dito ng malawak. >< ayie ang cute! :> "sabi mo yan ha. tsaka pupuntahan ko na siya doon. hehehe." sabi niya.

"sige, go! update moko ha? hehehe!" cheer ko sa kanya at tumango lang naman siya.

"sige yesha. bye na." paalam niya sa'kin.

"bye!" sabi ko at ipinagmasdan ko lang naman siyang lumalayo sa'kin. sana nga si mace nalang yung makatuluyan niya 'no. bet ko talata sila para sa isa't isa. >< walang kokontra! papasuntok ko kay jaxvier eh sexy cutie yun. :>

speaking of my boyfriend, nasaan na nga ba kasi yun? ><

chineck ko ulit yung phone ko. umaasa ako na may replies siya. umaasa ako na may tatawag sa'kin na.. 'hi babe! nandito na ako!'.

gusto ko nang umiyak. wala pa din siyang responds sa'kin!

innocent | nininiWhere stories live. Discover now