➳ inncnt_136

34 1 0
                                    

yesha's pov

unting-unti naman akong nagising. nararamdaman kong nanghihina pa din ako dahil sa naaamoy kong pampahilo. pero nararamdaman kong nakaupo at nakatali ako.

napatingin naman ako dito sa paligid at nakaramdam ako ng takot. kasi parang nasa warehouse ako. sinong nagdala sa akin dito?

pinipilit ko namang alisin yung nakatali kong kamay sa upuan. pero hindi ko makaya dahil mahirap. wala nalang akong magawa kundi naiyak.

ano na naman ba 'to?

napatingin naman ako sa aking paligid kung may tao. nanlaki naman ang mata ko nung nakita kong nasa tabi ko lang si jaxvier.. at sebee. pero magkahiwalay kami at malayo sa isa't isa. hanggang ngayon wala pa din silang malay.

akala ko ako lang.. pero kung sino man ang may gawa neto, bakit kailangan niyang gawin 'to sa amin?

"jaxvier.. sebee. gising!" bulong kong pasigaw na sambit sa kanila. hindi ko kayang lakasan yung boses ko dahil baka may makarinig sa akin. gusto kong makatakas kami dito.

gusto kong tumayo pero masyadong mabigat yung upuan at isa pa, mahirap dahil nga nakatali pa yung kamay ko. wala nalang akong magawa kundi umiyak nalang.

"please.. magising kayo. sebastian! jaxvier!" naiiyak ko na sambit sa kanila. "gumising kayo!" medyo malakas kong sabi sa kanila.

nakita ko naman na parang nagigising si jax. tulad ko kanina, mukhang nagtataka din siya kung bakit nakaganyan siya.. nakatali. mukhang hindi din siya makapaniwala.

"babe!" naiiyak na tawag ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin. halos hindi naman siya makapaniwala na nakita niya ako.

"babe? nandito ka din?" nag-aaalala niyang tanong sa akin. "ayos ka lang? hindi ka ba nila sinaktan?"

tumango ako, "ayos lang ako babe. hindi naman nila ako sinaktan." sagot ko. "kasama pa natin si sebee." sabi ko at ngumuso ako sa direksyon kung saan si sebastian na hanggang ngayon ay wala pa ding malay.

napatingin naman doon si jaxvier at nabigla din siya, "sino bang may gawa sa atin neto?" tanong niya.

napapailing ako ng paulit-ulit, "hindi ko alam, babe. natatakot ako. gusto kong makatakas tayo dito." mahina kong sambit sa kanya.

"babe, gagawa tayo ng paraan para makatakas tayo dito. wag kang matakot, kasama mo ako." pagpapakalma niya sa akin pero hindi ko mapigilang umiyak.

"pero hindi natin alam kung ano ang gagawin nila sa atin. baka may gawin silang masama sa atin kaya.. ginanito tayo. paano yun? hindi pa ako handang mamatay." naiiyak na sambit ko sa kanya.

"don't say that." saway niya sa akin. "listen to me, don't overthink. bago pa mangyari ang iniisip mo, tumakas na tayo dito. magtiwala ka." sabi niya sa'kin at dahan-dahan nalang akong napatango.

tinanguan niya naman ako, "okay. gigisingin ko si sebastian." sabi niya.

napatingin naman siya kay sebee at balak niya etong gisingin, "sebastian.. gising." mahina lamang na pambulabog niya.

"sebastian.." sabi niya pa pero wala pa ding respond si sebee.

nakita kong balak niyang tumayo pero nakita kong hindi niya nakaya dahil sa sobrang bigat ng upuan. napapikit siya ng tuluyan.

"babe, okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

tinanguan niya naman ako at tinignan niya ako, "ayos lang babe. hirap lang gisingin ni sebastian. paano ba 'to?" sabi niya.

huminga siya ng malalim at nakita kong tinaas niya yung paa niya sa tuhod ni sebee. yinuyugyog niya naman si sebee sa kanyang tuhod gamit ang kanyang paa. buti nalang nga naabot pa paa niya dun.

"huy sebastian."

tsaka nakahinga naman ako ng maluwag nung nakita kong unting-unti niyang binubuksan yung mata niya. halatang nagtataka din siya. pero nanlaki naman ang mata niya nung nakita niya kami at nalaman niyang nakatali siya.

"yesha? jax?" tawag niya sa atin at napatingin naman siya dito sa paligid. "nasaan tayo?" tanong niya sa amin.

"hindi ko alam.. hindi ko din alam kung paano ako napunta dito. akala ko nga ako lang yung dinakip. kayo din pala." sabi ni jaxvier.

"basta ang naaalala ko, may isang tao na nagpasama sa akin sa cr kasi hindi niya alam. pagkatapos yun, sinuntok niya ako at nilagyan niya ako ng pampatulog." kwento ni sebee.

"ako naman nung papunta ako sa locker kanina.. ramdam kong may sumusunod sa akin. pero hindi ko inaakala na dadakipin ako nung lalaki at pinaamoy din ako ng pampatulog. kaya nga huli ko na nachat si jax." naiiyak na kwento ko sa kanila.

"kaya pala hindi ka na sumasagot sa mga chat ko. walanghiyang lalaki yun." naiinis na sambit ni jax. "ako nung napunta ako sa locker para hanapin si yesha, doon din ako nahila at nawalan ako ng malay dahil sa pampatulog." kwento niya.

"kung sino man ang may gawa neto sa atin, bakit kailangan niya 'tong gawin?" tanong ni sebee.

"hindi ko alam.. hindi ko alam. natatakot ako." naiiyak na sambit ko sa kanila. "please.. tumakas tayong tatlo dito. ayaw kong may mangyari sa atin." dagdag ko.

"susubukan natin babe kung hindi pa huli ang lahat." sabi ni jax.

sinubukan naman naming inaalis yung tali sa aming kamay. pero ang hirap alisin. naiiyak nalang ako dito. ramdam kong imposible kaming makatakas dito.

"ang hirap naman neto." sabi ni sebee. pero nakita kong inuurong niya yung upuan niya palapit kay jax gamit ang paa niya. natakot naman ako dahil malakas yung tunog ng upuan eh baka marinig kami dito.

"anong ginagawa mo?" tanong ni jax sa kanya. "baka marinig tayo. ang ingay ng upuan." dagdag niya.

"bibilisan natin." sabi niya. nung nakalapit na siya kay jax, ipinagmasdan ko lang naman siyang ginagamit yung paa niya para alisin yung tali na nasa kamay ni jax. mukhang mahirap naman yan.

"mahirap yata yan, sebastian." sabi ko sa kanya.

"alam ko, pero eto lang yung paraan para maalis yan. hindi ko magagamit yung kamay ko. don't worry, i can handle this." sabi niya.

tsaka maya-maya, naalis niya nga yung tali na nasa kamay ni jax. medyo naman lumuwag yung pakiramdam ko doon. paano niya nakaya yun? hirap gamitin ng paa.

"tama ka nga. salamat, sebastian." sabi niya. "tanggalin na natin yung sa inyo para makaalis na tayo dito." dagdag niya.

tumayo naman siya at tinanggal niya yung tali sa kamay ni sebee na nakapalibot sa upuan. pagkatapos makawala ni sebee, tinanggal naman kaagad ni jax yung tali na nasa kamay ko. pinatayo niya naman ako kaagad. tsaka mabilis niya akong niyakap.

"babe.. alis na tayo dito." sabi ko sa kanya.

"tara." sabi niya sa akin.

"tara na.. bago pa may mangyari sa atin dito." sabi ni sebee.

naghahanap naman kaming tatlo dito ng pintuan palabas. may nakita kaming pintuan mula sa malayo.

"may pintuan doon. tara." aya ni jax sa amin at napatango lang naman kami. papapunta na sana kaming tatlo doon.. kaso..

"sige. subukan niyong tumakas. bago kayo makatakas, mamatay muna tayo." dinig namin na boses babae. nakaramdam ako ng matinding takot nung pamilyar sa akin ang kanyang boses.

napaharap naman kami sa nagsalita at tama nga ako. siya nga. may mga kasama siyang mga tauhan niya.

si tita emily lang naman ang may gawa neto at siya lang ang may kayang patayin kami.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now