XXX.

106 6 0
                                    

Mag-isa ko ngayon na kumakain,
Tila ba kulang ako sa pansin.
Nakakawalang gana ang mga ganap,
Sarili ko, hindi ko na mahanap.

Habang lumilipad ang aking isip,
Katapat kong babae, sa 'ki'y sumisilip.
Nagulumihanan ako sa ikinikilos niya,
Mayroon ba siya sa 'king problema?

Ilang sandali pa, tumayo siya.
Lumapit siya't naupo sa bakanteng silya.
Ano ang kailangan niya sa 'kin?
Sayang oras niya para ito'y gugulin.

"Gusto mo bang sumaya?" tanong niya.
Hindi na 'ko nagdalawang-isip pa.
S'yempre, oo agad-agad.
Hindi na 'ko nakipagtelebabad.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon