XXVII.

126 5 1
                                    

Tila nakikiramay sa 'kin ang ihip ng hangin,
Naririnig ba nito ang nais kong idalangin?
Ang lungkot ng samyo nito sa 'king balat,
Lumalapit sa 'ki'y mga dahong nakakalat.

Humagod sa ilong ko amoy ng sampaguita,
Pabango pala ng babaeng dumaan kanina.
Dinadamayan din ba 'ko ng mga bulaklak?
O sadya talaga na ako'y namamakipak?

Binusisi ko ang aking sarili,
Oo nga, 'di na 'ko kawili-wili.
Likuran ko'y basang-basa,
Para akong batang nanggigitata.

Naupo na muna ko't sumandal sa puno,
Sawi pa rin sa ngayon ang aking puso;
Nakatarak pa rin ang palaso.
Dapat na ba akong sumuko?

SilakboWhere stories live. Discover now