VI.

790 23 66
                                    

Masaya kung sama-sama,
Magkakaibiga'y nagkakaisa.
Kabisado bawat hilatsa,
Magkatinginan lang, tatawa.

Lubos ang pagkakaunawaan,
Higit na nagkakaintindihan.
Kahit ano ang pagdaanan,
Laging nandiyan, walang iwanan.

Pinatitibay ng bawat pagsubok,
Napagtatagumpayan anumang dagok.
Minsan, nagiging marupok;
Pagmamataas, nilulunok.

Suwerte ako sa kaibigan,
Hindi uso ang plastikan.
Kaibigang mapagmamalaki ko,
Kaunti lang pero sila'y totoo.

SilakboKde žijí příběhy. Začni objevovat