XXXI.

107 4 0
                                    

Isabela, iyon ang pakilala niya sa 'kin.
'Di ako tumanggi matapos niya 'kong himukin.
Sino ba ang ayaw sumaya?
Palitan ang lungkot ng ligaya?

Oo, hindi ko pa siya lubusang kilala.
Hindi naman ako nangangamba.
Dinala niya 'ko sa likod ng paaralan,
Sumambulat sa 'min mga halaman.

Mayamaya, may dumating pang dalawa.
Mga babae, pawang kaniyang mga kasama.
"Lolita, iyon ang itawag mo sa akin."
Pakilala ng babaeng mahinhin.

Hindi naman sila nakakatakot,
Pero 'yung puso ko, bahagyang kumikislot.
"Betina nga pala, hindi kami nangangagat."
Pagsingit no'ng babaeng bundat.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon