II.

1.2K 36 49
                                    

Tahimik sa loob ng aming silid,
Tila ang lahat ay biglang naumid.
Mayroon nga palang pagsusulit,
Nawa'y makapasa nang sumabit.

Abala masyado ang katabi ko,
Gumagawa na naman ng kodigo.
Kahit kailan, 'di na siya natuto.
Tamad lang pero 'di naman bobo.

Minsan, nahihikayat din naman ako.
Iniisip ko pa lang, kinikilabutan na 'ko.
Mahirap din naman maagrabyado,
Masaklap kapag bagsak ang 'yong grado.

Sipag at tiyaga ang gawing puhunan,
Mapagtagumpayan dapat bawat laban.
Grado na ang sukatan ng talino.
Wala, e. Eskuwelahan 'to.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon