XIII.

630 22 30
                                    

Dalawa lang kaming magkapatid,
Mga umaaway sa 'kin, 'di balakid.
Si Ate Rowena kasi laging nandiyan;
Sa oras ng sakuna, laging takbuhan.

Naalala ko tuloy noong bata kami,
Madalas niyang ipaluto ay mami.
Basta, mahilig siya sa sabaw.
Ako kasi, masyadong galawgaw.

Madalas kaming pagkumparahin.
Ako, mahina ang ulo na mahinhin,
Siya, matalino at 'di nagpapatalo.
Inialis ko na lang 'yon sa isipan ko.

Si Ate ang laging bida sa 'ming pamilya.
Lagi siyang nakasusungkit ng medalya.
Noon, naiinggit ako sa mga natamo niya,
Ngayon, alam kong 'di dapat kaya hindi na.

SilakboWhere stories live. Discover now