XII.

655 17 24
                                    

Umuwi akong maligaya,
Inspirasyon aking dala.
Iba talaga kapag ika'y umibig,
Mundo mo'y liligalig.

Positibo naman ang epekto nito.
Sa bahay, naging masipag ako.
Hindi na 'ko inuutusan ni Mama,
Kusa na 'kong nagwawalis sa sala.

Bibo rin akong naghugas ng pinggan,
Kinuha ang ibang gamit sa paminggalan.
Si Ate, nakatanggap ng singsing;
Kaya bukas, may magaganap na piging.

Siya ang aking kasangga,
Karamay tuwing may problema.
Kaibigan na laging maaasahan,
Modelo na dapat hangaan.

SilakboWhere stories live. Discover now