VII.

760 24 54
                                    

Magkahawak ang ating kamay,
Dalampasigan ay binabaybay.
Samyo ng hangin ay kay lamig,
Napasandal ako sa 'yong bisig.

Tahimik lang tayong naglalakad,
Walang kibuan, puro lang usad.
Ang 'yong isipa'y kay hirap sisirin,
Atensiyon mo'y nais kong kuhanin.

Huminto tayo pagdating sa dulo,
Marahan mong inangat ang kamay ko.
Tinanaw natin ang paglubog ng araw,
Pinasidhi ang ako at ikaw.

Isang panaginip lang pala,
Hindi parte ng aming alaala.
Sana, 'di ako nagising agad
Nang maski pangarap ay matupad.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon