XXV.

176 8 2
                                    

Ang mga mata nila'y sa 'kin nakatuon,
Hindi naman simpatya ang pinapaalon.
Tila hinihintay nila ang aking paghagulgol,
Na para bang nasawing asong ulol.

Wala talagang dadamay sa 'kin dito.
Sarili ko lang ang maaasahan ko.
Bakit may natutuwa sa kasawian ng iba?
Ipinamumukha ang salitang buti nga sa kaniya.

Dali-dali kong nilisan ang aming silid,
Tumatakbo ako nang sa 'ki'y may pumatid.
Napasubsob tuloy ako sa sahig,
Buti na lang, 'di tumama aking bibig.

Ilusyonada masyado kay Arman,
'Di ka magugustuhan no'n, talunan.
Ipinagduldulan sa 'kin 'yan ni Trina,
Taga-kabilang seksyon, banaba.

SilakboDonde viven las historias. Descúbrelo ahora