XXII.

361 7 3
                                    

"Arman, huwag kang gagalaw!"
Pagpalahaw ko'y umalingawngaw.
Mistulang si Arman ay napahinto,
Napangiti ako nang 'yo'y matanto.

Tila ang lahat ay naghihintay,
Si Arman nama'y nakaantabay.
Hindi ako handa ngunit heto na,
Pagkakatao'y 'di na palalagpasin pa.

Kumaripas ako ng takbo,
Sapo-sapo ang aking noo.
Kailangan, makilala niya 'ko,
Matandaan niya pangalan ko.

Lakas-loob ko siyang hinarap,
Sa hangin, ako'y napasinghap.
Teresa, huwag mong kalilimutan,
Tinahak mo ang makipot na daan.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon