XXIII.

344 6 6
                                    

Ako nga pala si Teresa,
Mabait kahit 'di maganda.
Lagi mong maaasahan,
Puwede ring masandalan.

Nandito lang ako sa isang sulok,
Nakaantabay sa 'yong pagpasok.
Puwede bang makipagkaibigan?
Iyon ay kung okay lang naman.

Lakas-loob ko 'yung tinuran;
Mismo, sa kaniyang harapan.
Kinabahan tuloy ako bigla,
Sana, mayroon akong mapala.

Ngumiti lang siya sa akin,
Buti na lang, ako'y napansin.
Naglakad na siya agad palayo,
Ligaya sa 'king puso'y naglaho.

SilakboWhere stories live. Discover now