XX.

351 6 5
                                    

Tumungo ako sa silid nila Arman,
Presensya niya'y 'di ko pa ramdam.
Nang hagilapin siya ng aking mata,
Tama nga, wala pa siya.

Bumalik agad ako sa silid namin,
Sa bag, kinuha ang aking salamin.
Matino naman pala ang aking itsura,
'Di mukhang binudburan ng pulbura.

Ilang saglit lang, ang ila'y nagbulungan.
Wari ko'y pinag-uusapan nila si Arman.
Isang kaklase ko ang napasigaw,
Kilig na nagngingitngit ay pumalahaw.

Napatakbo ako malapit sa bintana,
Puso ko'y pinatambol ng palaka.
Araw ko'y kumpleto na,
Matapos masilayan ang ngiti niya.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon