XXXIII.

112 5 0
                                    

Sa wakas, hindi na ako nag-iisa.
Nakatagpo ako ng bagong kasangga.
Tila napawi ang aking lumbay,
Sila sa akin ay nakaalalay.

Sabi nila, tigilan ko na raw si Arman,
Sarili ko lang ang aking sinusugatan.
Wala akong mapapala sa kaniya,
Sapagkat may mahal na siyang iba.

Masakit man tanggapin ang katotohanan,
Hindi naman 'to ang magiging katapusan.
Marami pa naman daw isda sa paligid,
Balang araw, mayroon ding aaligid.

Tama sila, 'di naman ako dapat magmadali.
Maghintay lang dapat para hindi masawi.
Arman, iwawaglit na kita sa buhay ko,
Oras na para simulan ang pagbabago.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon