XXVI.

126 6 8
                                    

Dahan-dahan akong tumayo,
'Di ininda ang sakit na natamo.
Isang mapaklang ngiti aking pinakawalan,
Si Trina tuloy tila nais akong sunggaban.

Nagtatakbo ako palayo,
'Di alam kung saan tutungo.
Iiling-iling at palinga-linga,
Sa pag-ibig ay nagpakatanga.

Gano'n naman kasi talaga,
Depende na lang kung susuwertihin ka.
Ang pag-ibig ay isang sugal,
Mauubos talaga ang iyong kalakal.

Huminto ako sa may punong akasya,
Gusto ko na lang munang magpahinga.
Pati sa paligid maraming tumutuligsa,
Nakakasawa ang kanilang pang-uusisa.

SilakboWhere stories live. Discover now