XL.

51 4 0
                                    

Nagsimula lang ako sa patikim-tikim,
Sabi nila, ilabas ko raw ang aking kinikimkim.
Sinunod ko naman ang minungkahi nila,
Iwinaksi ang pait na nadarama.

Pag-alala kay Arman ay dapat ng kalimutan,
Pagtangi ay dapat na ring tuldukan.
Pag-aari na siya ng iba,
Siya sa aki'y walang gana.

Ngayon ko lang naranasan na magpakalunod sa alak,
Tiyak na maghahalo mamaya ang pag-iyak at paghalakhak.
Medyo nakakaramdam na ako ng hilo,
Unti-unti na ring umiikot ang paningin ko.

Pinapahinga muna nila 'ko nang bahagya,
Pagninilay-nilay ay nagsimula...
Mga pasakit at pighati na aking naramdaman,
Bumuhos at pumutok sa isang upuan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon