XVIII.

375 9 2
                                    

Ang puso ko'y puno ng ligaya,
Ang araw na 'to'y dapat sumaya.
Makikita ko ulit mamaya si Arman,
Siya talaga ang una sa 'king listahan.

Ngiti sa labi ay 'di ko mawaksi,
Pagiging masigasig ay sumisidhi.
Pagmamahal sa puso ko'y umaalon,
Pag-asa ay yaring nakabalunbon.

Nakikiayon sa akin ang paligid,
Nakabibingi ang pagkaumid.
Banayad ang haplos ng hangin,
Tila ba ang nais ko'y diringgin.

Nakarating na 'ko sa paaralan,
Sabik sa bagong matututunan.
S'yempre, si Arman ang aking inspirasyon.
Pinagtitibay niya ang aking motibasyon.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon