Chapter XLV

1K 95 12
                                    



Hindi ko pa dapat ia-update 'to.

Pero sige, post ko na since na-edit ko na rin naman.

May mild na revelation.

Mild pa lang pero sana magustuhan ninyo, mi Labs.

Medyo nakaka-gigil na revelation 'to at masakit sa ulo. Haha

Magandang umaga sa lahat and enjoy this chapter. :)

****

****

****

****

****

****

PRESENT TIME

JUNICA'S P.O.V.

"K-Kung buhay pa talaga si Yana, sigurado ako na may ibang babaeng pinatay si Lola Harlie! Baka may nawawalang babae ngayon sa Barrio San Vicente! Kailangan mag-imbestiga pa kayo ng mabuti dahil kitang-kita ko na may pinatay talaga ang matandang baliw na 'yon!" Eto na naman ako, hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na magwala.

"Totoo bang hinanap mo si Angel kay Kristine?" seryosong tanong ni Ricky na hindi pinansin ang mga sinabi ko.

"O-Oo, totoo 'yun pero dahil 'yung sa sinabi niyang nasa kanila si Angel!" nauutal na sagot ko. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya lalo na sa mga sinabi sa kanya ng mga tao sa Barrio San Vicente na tungkol sa akin.

"Wala siyang sinabi na nasa kanila ang kapatid mo, Junica. Ang sabi lang ni Kristine, nasa kanya na ang kailangan mo... At iyon ay ang recipe ng bola-bola na matagal mo na raw hinihingi sa Mommy niya."

Napalunok ako ng laway sa narinig ko. Ngayon ko lang napagtanto na wala ngang binanggit na kahit na anong pangalan si Kristine nang makausap ko siya sa cellphone. Pero binanggit niya na kailangan kong isoli sa kanya ang kamay ni Carla. "N-Nasaan ang bag ko?"

"'Yung itim na bag na dala mo sa Museo Caridad?"

"Oo, 'yun nga! Nando'n ang magpapatunay na mamamatay tao ang pamilya nina Kristine! Na sila talaga ang mga baliw dito! Nando'n ang kailangan ni Kristine sa akin!" Ang kamay ni Carla ang isa sa pinaka-mabigat na katibayan na meron ako laban kayna Kristine. Alam ko na kaya kong patunayan na mamamatay tao talaga sila!

"Wala doon ang bagay na kailangan sa 'yo ni Kristine, Ms. Junica."

"Anong ibig mong sabihin? Sigurado ako na nilagay ko sa bag na 'yon ang gustong ipasoli sa akin ni Kristine!" giit ko.

"Na-check na namin ang laman ng bag na 'yon, Ms. Junica. Wala doon ang pakay nina Kristine. Wala sa bag mo ang gunting nina Kristine na gusto niyang isoli mo sa kanila." Malamig at mababa ang boses ni Ricky. Blangko rin ang mukha niya na para bang ayaw niyang ipabasa sa akin kung ano man ang iniisip niya ngayon.

"G-Gunting?"

"Oo, 'yun lang naman ang pakay ni Kristine kaya ka niya tinawagan. Gusto niyang isoli mo ang gunting na kinuha at hiniram mo raw sa kusina nila."

Muling naging malikot ang mga mata ko habang nag-iisip ng susunod ko pang sasabihin. Kailangan na may maipakita akong pruweba sa kanila na hindi ako ang baliw kung hindi ang pamilya ni Kristine.

RecursionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon