Chapter XXXIV

1.1K 82 10
                                    



Junica's P.O.V.

"Nasaan na ba si Yana?" nag-aalalang bulong ko. Alam kong dapat ay wala na akong pakialam sa kanya dahil ginawa ko na ang lahat para lang maniwala siya sa mga sinasabi ko. Hindi naman talaga kami magkaibigan in the first place, kaya hindi na ako dapat nag-aalala pa sa kanya. Pero ewan ko ba, hindi ko mapigilan ang sarili ko na sundan at hanapin pa rin siya kahit ilang beses na niya akong tinataboy. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-alala. Siguro kasi, ayoko nang may ibang tao pa na mapahamak o mapatay, lalo na ngayon na alam ko na ang totoo. Kilala ko na kung sino ang baliw sa lugar na 'to.

Medyo madilim ang paligid dahil medyo malayo na ako sa bayan at magkakalayo na ang mga poste na may ilaw. Hindi ko alam kung anong tawag sa parte na 'to ng Barrio San Vicente dahil hindi na masyadong sementado ang kalsada. Nahihirapan nga ako kapag dito na ako banda nadya-jogging kaya bumabalik na lang ako sa bayan.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang i-dial ang number ni Yana. Ilang beses iyong nag-ring pero hindi niya sinagot. Si Ivan naman ang sumunod kong tinawagan, siya lang ang alam ko na pwede pang makatulong sa akin. Pero kagaya ng inaasahan ko, hindi ko na naman siya makontak.

"Kamay... Gusto ko ng kamay..."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang maarinig ko ang mahinang boses na iyon. May naririnig din akong ingay na parang pinupukpok. Luminga-linga ako sa paligid habang nakikiramdam. Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang maaninag ko ang isang hugis ng tao hindi kalayuan mula sa akin. Nakatalikod ito at bahagyang nakaupo. Kaagad akong nagkubli sa isang malapad na puno kahit hindi naman nakatingin sa akin ang taong iyon.

"Ugh... T-Tama na po."

May boses ng babaeng tila nahihirapan at nasasaktan.

Mabilis pero maingat akong lumipat ng pinagkukubilhan kong puno para mas makalapit sa babae. Muli akong sumilip. 'Shit! Si Lola Harlie!'

Kaagad kong nakilala abg matanda dahil sa mala-mangkukulam sa horror movie na buhok nito. Muli akong kumilos at mas lumapit pa upang mas maaninag ko pa siya. Nakatapat na ang punong pinagkukublihan ko sa pwesto ni Lola Harlie kaya malinaw ko nang nakikita ang mukha niya. Pero nanlambot ang mga tuhod ko nang mapagtanto ko ang totoong ginagawa niya. Ang nanginginig na boses ng isang babaeng tila nasasaktan ay nakadapa sa lupa, nakaupo si Lola Harlie sa likod nito at pinupukpok ng hawak na martilyo ang braso na tila nais putulin o ihiwalay mula sa katawan nito.

"Ugh. Parang awa ninyo na po. T-tama na po." Basag na basag na ang boses ng babaeng nakadapa sa lupa. Halata sa kanya ang panghihina niya. Kung hindi pa nga ito narinig na umuungol at nagsasalita ay aakalain ko nang patay na ang babae. Dahil may bahid ng dugo ang mahaba at nanlalagkit nitong buhok na tumatakip sa sariling mukha.

"Putang ina! H'wag kang maingay d'yan! Leche ka!" Isang pukpok sa balikat ang ginawa ni Lola Harlie sa babae na lalong napaungol dito sa sakit. Natutop ko ang sarili kong bibig kasi pakiramdam ko, ako ang nasaktan sa ginawa niya sa babae. Tumingin ako sa kaliwa't-kanan ko na hindi kababakasan ng sinomang tao o anumang sasakyan na dadaan.

Nagpatuloy muli si Lola Harlie sa pagpukpok sa braso ng babae na lamog na ang laman at buto pero hindi pa rin humihiwalay sa katawan nito. Tumutulo na ang laway ng matandang babae na tila gutom na gutom na.

Nakita ko ang panggalaw ng babaeng nakadapa sa lupa. Nangingisay na ba siya? Hindi ako sigurado pero bahagyang kumilos ang ulo niya. Pinipilit igalaw at halatang hirap na hirap. Hanggang sa nagawa nitong tumingin sa pwesto ko. Nagtama ang tingin naming dalawa. Magulung-magulog ang buhok niyang nanlalagkit sa dugo at halos tumatakip sa buong mukha niya, pero hindi ako pwedeng magkamali... Si Yana ang babaeng 'yon!

"Ugh." Bumulwak ang dugo mula sa bibig ng babae pero ang mga mata niya at diretsong nakatingin sa akin.

"Putang ina! Natanggal din!" sambit ni Lola Harlie nang magawa niyang ihiwalay ang kamay ng kinaiibabawang babae. Saglit pa niyang sabik na niyakap ang braso at parang batang hinalik-halikan iyon. Sinimulan na niyang dilaan ang duguang darili ng putol na kamay. Isa-isa niyang sinubo iyon na tila nililinis at inaalis ang dugo mula dito. Hanggang sa kagatin na niya ang hinlalaki nito. Narinig ko ang paglagatok ng maliliit na buto sa daliri na kinakain ni Lola Harlie.

Hindi ko na kaya. Kailangan ko nang kumilos. Hindi ko hahayaan na mamatay si Yana. Oo, sigurado akong si Yana ang babaeng 'yon! At ililigtas ko siya sa kahit na anong paraan na pwede kong gawin.

Tumingin ako sa paligid. May matigas at hindi kalakihan na bato akong nakita. Inabot ko iyon ng nanginginig kong mga kamay. Isang pukpok lang. Isang pukpok lang ng bato na 'to sa ulo ng baliw na matanda, maililigtas ko na si Yana. Isa lang.

Hawak ng nanginginig na dalawang kamay ko ang matigas na bato. Lalabas na ako sa pinagtataguan ko. Ipupukpok ko na 'to sa ulo ni Lola Harlie. Ililigtas ko na si Yana.

Nanlalambot ang mga ang tuhod kong pilit kong pinapatigas bago ako muling tumayo. Kailangan kong gawin ito. Kailangan kong mailigtas si Yana.

Hahakbang na ako sanang muli pero bago ko pa magawang lumabas mula sa malapad na katawan ng punong pinagkukublihan ko... Isang kamay ang tumakip sa bibig ko!

RecursionWhere stories live. Discover now