Chapter XI

1.2K 118 10
                                    


Erwin's P.O.V.

Masakit ang pakiramdam ko sa ulo ko na tila hinampas ng kung anong matigas na bagay, nang subukan kong imulat ang mga mata ko. Nanlalabo pa rin ang paningin ko. Nakaramdam din ako ng pananakit sa mga braso ko. Ilang saglit pa bago ko napagtantong hindi nakadikit ang mga paa ko sa lupa, wala akong suot na pang-itaas, nakataas ang mga braso ko at nakagapos pala ang mga kamay ko. Nakabitin ako sa gitna ng isang kwartong hindi pamilyar sa akin.

"N-nasaan ako?" napapalunok na tanong ko. Pinilit kong alalahanin kung ano'ng nangyari bago ako napunta sa lugar na 'to. Mula ng tawagan ako ng mga magulang ni Carla para itanong kung nasaan siya ay hindi na ako mapakali. Hindi raw kasi siya umuwi ng bahay ng gabi na 'yon.

Sobra akong na-guilty dahil ako ang naging huling kasama niya. Kung hindi kami nag-away, ako sana ang kasama niya at naghatid sa kanya pauwi sa kanila. Hindi sana siya mawawala. At kinabukasan nga ay bumalik ako kung saan kami huling nagkita ni Carla.

Ang Vida Feliz Café.

Maaga akong pumunta do'n at hindi pa sila bukas. Nakita ko pang nagwawalis sa labas ng café ang anak ng may-ari na si Kristine. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang makita na suot niya ang kwintas na ako mismo ang nag-regalo ay Carla sa first anniversary namin. Kinutuban kaagad ako ng masama kaya nang pumasok siya sa café ay palihim akong sumunod sa kanya. Para akong magnanakaw na maingat na pumapasok sa loob ng bahay na nais kong looban. Nakapuslit din ako sa loob pero bago ko pa mabuksan ang isa pang pinto kung saan siya pumasok ay bigla ng nagdilim sa akin ang lahat.

Bumalik ang diwa ko sa kasalukuyan ng biglang bumukas ang pintong hindi kalayuan mula sa akin. Iniluwa noon ang isang lalaking nakasando, may malaking t'yan at balbas sarado. Pamilyar ang mukha niya. Siya ang asawa ng may ari ng café at ang lalaki ring may-ari ng Museo Caridad.

Kilala siya bilang si Tito Andrew.

"Gising ka na pala," aniya bago ibinaba ang hawak niyang dalawang balde.

"N-nasaan si Carla?! Anong ginawa ninyo sa kanya?!" kaagad na sigaw ko. Ngayon pa lang ay tila nakasisigurado na akong may nangyaring hindi maganda sa girlfriend ko.

"Ang tagal din nating hindi nagkita. At ang tagal ko ring hiniling na muli kang makita." Nangangatal ang kanyang mga labi pati na rin ang boses niya. Bakas ko sa mga mata niya at matinding galit na may kung anong takot ang hatid sa akin.

"Ilabas ninyo na ang girlfriend ko at pakawalan ninyo na ako dito!" muling sigaw ko.

Hinubad niya ang suot niyang sando. Nakita ko ang malalim na mga peklat sa may t'yan at dibdib niya na parang hinampas ng kung ano. "Siguro naman natatandaan mo pa ang mga pekla na 'to?!"

"A-ano bang sinasabi mo?!" natatakot na ako pero mas naguguluhan sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. lalo na nang mapansin kong tila nagpipigil na siya ng iyak. Para siyang matanda na nag-iisip bata na bigla na lang umiiyak.

"Tingnan mo! Tingnan mo ang mga peklat na 'to! Tingnan mo ang ginawa mo sa katawan ko! Sa buhay ko!" Sigaw niya kasunod ang paghagulhol habang nakatakip sa mukha niya ang mga palad niya. Gumagalaw-galaw pa ang kanyng balikat dahil sa pag-iyak na ginagawa niya. At nang bigla siyang huminto sa ginagawa niya ay mas lalo akong kinabahan. "Ngayon ipapatikim ko sa 'yo lahat ng ginawa mo sa akin... Lolo."

'Lolo?' Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya akong lolo niya? Kinuha niya mula sa isang balde ang mahaba at makapal na sinturon. Ipinulupot niya sa kamay niya ang sinturon at nagtira ng may habang tatlong dangkal na ang dulo ay ang lock na bakal. Matalim ang mga tingin niya sa akin bago naglakad papalapit.

Nangatal na ang mga labi ko sa takot pati na rin ang buong katawan ko. Mariin akong umiling. "N-Nagkakamali po kayo... H-Hindi po ako ang – Ahhhh!!!" malakas akong sumigaw ng ihataw niya sa akin ang sinuton. Tumama ang bakal noon sa may dibdib ko. Sobrang namilipit ako sa sakit.

"Natatandaan mo ba 'tong mga sugat ko?!" sigaw niya bago muling inihampas sa akin ang bakal ng sinturon.

"Ahhh!!! Tama na po!!!" sigaw ko pa. Muling tumama ang bakal sa may t'yan ko.

"Natatandaan mo pa ba no'ng hinampas mo ako nito pagkatapos kong masunog ng hindi sinasadya ang sinaing?!" umiiyak na sigaw niya bago magkakasunod pang hinampas sa akin ang dulo ng hawak niya.

"T-tama na!!! T-tama na po!!!"

Hindi ko na alam kung ilang beses pang tumama sa akin ang bakal ng sinturon pero hindi pa rin namamanhid ang katawan ko sa sakit. Sa wakas ay humihingal na siyang huminto. Pero gamit ang isang kamay niya ay marahas niyang sinabunutan ang buhok ko. "Sumagot ka kapag kinakausap kita! 'Yan ang palagi mong sinasabi sa akin, Lolo! At kapag nagsalita ako, eto naman ang igaganti mo sa akin!" Dinuraan niya ako sa mukha ng mabahong laway niya mula sa bibig na may nabubulok na mga ngipin.

"Uggghh!!!" Naramdaman ko ang tila pagkabali ng ilong ko ng tumama ang kamao niyang may sinturon sa mukha ko, kasunod ang muling pagdura sa akin.

"Sumagot ka kapag kinakausap kita!" sigaw niyang na ilang ulit pang nagpakawala ng malakas na suntok sa mukha ko. "Ang sabi mo dati, anak ako ng isang puta! Galit na galit ka sa mama ko na sarili mong anak dahil isa siyang puta! Tapos malalaman ko na..." Muli siyangh humikbi pero marahas pa rin ang pagkakasabunot niya sa buhok ko. Malaki siyang lalaki kaya halos nagtatama ang mga tingin ng mata namin. "Malalaman ko na ginahasa mo pala ang mama ko kaya ako nabuo!? 'Tang ina, mo Lolo! Putang ina mo!"

Muli ay magkakasunod niya akong sinuntok. Malakas. Walang tigil. Nagsimula nang umikot ang paningin ko hanggang sa halos hindi ko na maimulat ang isang mata ko na para bang pumutok na ang eyeball nito. At nang bitawan ng kamay niya buhok ko at napayuuko ang ulo ko. Kasunod ng dugong bumagsak sa sahig mula sa bibig ko ay ang mga ngipin kong nabasag at nabungi.

"Ikaw pala ang tatay ko, Lolo. Ikaw pala ang dahilan kung bakit nabuntis at nabaliw ang mama ko! Tapos sasabihin mo na isa siyang puta?! Hindi siya magiging isang puta kung hindi mo siya pinagahasa sa mga hapon na kaibigan mo!" Pagkatapos niyang bitawan ang sinturon ay walis tingting naman ang hinawakan niya. "Hindi siya mababaliw kung hindi dahil sa 'yo, putang ina mo ka!"

"Ahhhhh!" Walang tigil niyang malakas na inihampas sa akin ang walis tingin. Parang libo-libong blade ang sabay na humihiwa sa katawan ko dahil sa ginagawa niya. "Tang-inaaa!!! Tama na po!!!!"

"Ang sabi mo sa akin, dapat mamatay na lang ako." Humihingal na binitawan niya ang walis tingting at ang mahabang stick naman nakawayan ang hinawakan niya bago malakas na hinataw sa hubad at duguan ko ng katawan at mukha. "Kaya kinulong mo ako sa isang kwarto kasama ang mga daga at ipis. Hindi mo ako pinakain ng ilang araw at mga linggo. Gustung-gusto mo na talaga akong patayin!"

Nangangatal na ang mga labi ko. Nanginginig na ang buongnkatawan ko. At sa bawat paghinto niya sa ginagawa niya ay pilit ko pa ring minumulat ang natitira kong mata. Nakikita ko siyang umiiyak bago biglang tawa at muling iiyak. Bakit niya ako tinatawag na lolo niya? Bakit niya ito ginagawa sa akin? Bakit parang pinaghihigantihan niya ako sa kasalanng hindi ko naman ginawa sa kanya?

Baliw ba siya talaga?

Muli akong pilit na napailing kahit hirap na akong kumilos ng buhatin niya ang isang timba na may lamang tubig. Ibinuhos niya sa akin ang laman no'n at nanlaki ang mga mata ko ng maamoy ko kung ano 'yun. Gasolina. "H-h'wag... H'wag po... H'wag ninyo po akong patayin."

Ngumisi siya dahil sa sinabi ko. Napapailing na kinuha mula sa bulsa niya ang isang ligther. "Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo 'Lo? Natatandaan mo ba na 'yan din ang sinabi ko sa 'yo noon. H'wag mo akong patayin. H'wga mo kaming patayin ni Mama. Pero nakinig ka ba?" Naiiyak na naman siya bago biglang sumigaw. "Hindi dahil demonyo kang putang ina ka! At ngayon, ibabalik na kita sa impyerno kung saan ka nararapat!!!!"

"H'waggggggg!!!!" Tuluyan na akong walang nagawa nang sindihan niya ang lighter at ilapit sa akin ang apoy. Kaagad akong nilamon ng apoy. Mainit... Sobrang init. Parang tinatapyas ang balat ko sa sakit. Tang-ina... Tang-ina sana mamatay na kaagad ako!!!

RecursionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon