Chapter XXIX

927 79 6
                                    



MYRA'S P.O.V.

Mabigat ang pakiramdam ko sa buong katawan ko nang imulat ko ang mga mata ko. Gusto ko sanang hawakan ang ulo ko pero hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Susubukan ko rin sanang tumayo pero hindi ko maikilos ang binti ko. Teka... Nasaan ba ako at ano ba ang nangyari kanina?

"Gising ka na pala..."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Tita Aileen. Nang unti-unting luminaw ang mga mata ko ay nakita ko ang salamin na nasa malapit sa paanan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang ayos ko na nakahiga sa isang kama na tila para sa manganganak. Nakasuot ako ng duster pero wala nang pang-ibaba. Naka-bend ang mga binti ko at nakabuka ang mgahita ko kaya kitang-kita ko ang sarili kong pagkababae sa malaking salamin. Noon ko napagtanto na wala naman akong mga tali sa katawan, pero bakit hindi ko maigalaw ang alin man sa parte ng katawan ko?! Ni hindi ako makapagsalita kasi kahit dila ko ay parang naparalisa.

'Anong gagawin ninyo sa akin?' ungol lang ang nailabas ng bibig ko pero ito talaga ang gusto kong sabihin.

"Hindi ba ang sabi ko, sa bahay na 'to... Lahat tayo ay magkaka-pamilya?" Hinaplos-haplos ni Tita Aileen ang buhok ko. Nakatayo siya ngayon sa may gilid ko.

Naramdaman kong nangatal ang mga labi ko pero hindi ko naman iyon maibuka para sana makasigaw ako. Eyeball ko lang ang nagagalaw ko at nakita kong nasa may lababo si Tito Andrew at nagsusuot ng maduming gloves sa mga kamay niya.

"Pero bakit gumawa kayo ng nakakadiring bagay ni Tony?! Magkapatid kayo, Myra! Magkapatid kayo!"

"Ahhh!" napaungol ako nang malakas na sabunutan ni Tita Aileen ang buhok ko.

"Alam mo ba nang dahil sa ginawa mo, naisip namin na dapat hindi ka na lang iniligtas ni Andrew mula sa mga sindikato. Dapat hinayaan ka na lang namin na mabenta at maging isang puta ng mga foreigner. Dahil puta ka naman pala talaga!" sigaw pa niya bago ako dinuruan sa mukha.

'Sana nga hinayaan ninyo na lang kami ni Gelly. Sana hindi ninyo na langh kami tinulungan dahil baka sakaling nagkaro'n pa kami ng mas normal na buhay!' gusto kong isigaw sa kanya. Pero wala na akong nagawa kung hindi ang tahimik na maluha.

"H'wag kang mag-alala Aileen, aalisin na natin ang bunga ng kababuyan ng dalawang 'yan."

Muli akong binalot ng takot nang maglakad si Tito Andrew dala ang isang palanggana ng tubig. Pumwesto siya sa may paanan ko at parang alam ko na ang gagawin niya. Lalo akong naiyak. Ayoko pang mamatay at mas lalong ayoko na mawala sa akin ang baby ko.

'H'wag.... Please... parang awa ninyo na po!' Gusto kong magsalita at magmakaawa pero ni ipilig ang ulo ko para umiling ay hindi ko magawa. Kita kong dinadapuan pa ng langaw ang kamay ni Tito Andrew na may maruming gloves, sigurado akong inpeksyon sa dumi ang ikmamatay ko kung sakali pumasok iyon sa pagkababae ko. Pero hindi! Ayoko pang mamatay! Hindi pa ngayon!

"Napakarumi mong babae! Isa kang puta! Pati si Tony na dapat ay tinuring mong kapatid, kinasabwat mo pa sa kababuyan mo! Binaboy ninyong dalawa ang bahay namin!" gigil na sigaw ni Tita Aileen habang paulit-ulit na sinasampal ang mukha ko. Wala akong ibang magawa kung hindi ang umungol at umiyak. Sana kasabay nang pagiging paralisado ng katawan ko ay ang pamamanhid na rin nito. Pero hindi, dahil ramdam ko ang pamamaga ng mukha ko dahil sa malalakas sampal ni Tita Aileen.

"At ngayon, kailangan na nating alisin ang resulta ng kababuyang ginawa ninyong dalawa."

Halos manginig na ang paralisado kong katawan nang pumwesto si Tito Andrew sa may paanan ko.

'Hindi! Hindi pwede 'to! H'wag ang baby ko, please!!!' sigaw ko sa utak ko habang pilit akong kumikilos. Bigo lang ako dahil naninigas ang buong katawan ko hanggang sa dulo ng mga daliri ko. Ang tanging kaya ko lang gawin ay huminga, umungol, umiyak at panoorin ang gagawin kahayupan sa akin ng mag-asawang ito.

"H'wag ka nang gumalaw d'yan dahil hindi ka rin naman makakakilos pa..." nakangising sabi ni Tita Aileen. Anong klase bang mga tao 'tong umapon sa amin ni Tony? Tao ba talaga sila? O demonyo na nagkakatawang tao lang?!

Ang namimilog kong mga mata ay nakatuon kay Tito Andrew na ang isang kamay ay humihimas pa sa may tuhod at hita ko.

'Parang awa ninyo na!!! H'wag ang anak ko!!! H'wag ----' Napahinto na ako sa pagpupumilit ko na kumilos nang maramdaman ko ang marahas na pagpasok ng kamay ni Tito Andrew sa kaselanan ko. Habol ang hininga ko habang tila lalong naninigas ang buong katawan ko. Napasinghap ako nang mas lalo niyang pang ipasok ang kamay niya. Kitang-kita ko sa salamin na nasa malapit sa paanan ko na halos buong braso na niya ang nakapasok sa pagkababae ko. Halos tumirik ang mga mata ko sa matinding sakit lalo na nang magsimulang gumagalaw ang kamay niya na parang may kung anong hinahanap sa loob.

"H'wag kang mag-alala, kapag naaalis na natin ang bata sa sinapupunan mo... Pwede ka na ulit dito sa bahay." Humahalakhak na sabi ni Tita Aileen. "Dahil siya na ang magiging kabayaran sa mga kababuyang dinala mo dito sa bahay namin."

Unti-unti kong nagawang itikom ang kamao ko pero hanggang do'n lang yata ang kaya ko. Dahil parang muling nanigas ang buong katawan ko nang mas ipasok pa ni Tito Andrew ang braso niya sa loob ng kaselanan ko. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko at halos hindi na ako makahinga. Nangangatal ang mga labi ko at nilalamig ang buong katawan kong ramdam kong binabalot na rin ng pawis.

"Malapit na... Malapit ko nang makuha... Heto at hawak ko na..."

'Malapit na... malapit na rin yata akong mamatay.'

"Eto na... Eto na siya Aileen!" hiyaw ni Tito Andrew.

Hindi ko na naramdaman ang paglabas ng braso ni Tito Andrew mula sa kaselanan ko. Nagsisimula na rin kasing umikot at manlabo ng paningin ko, bumibigat ang pakiramdam ko at sumasakit ang ulo ko. Pinilit ko pa ring ibaba ang tingin ko sa may paanan ko, nakita ko si Tita Aileen at ang duguang kamay ni Tito Andrew na n aka-gloves at may hawak na maliit na baby. Muli akong naiyak... 'Ang baby ko.'

Muli ay pinilit kong ikilos ang mga braso ko upang abutin sila... Upang abutin ang baby ko at bawiin mula sa kanila. Sabay silang tumingin sa akin habang nakangisi. Hawak nila pareho ang maliit na sanggol kong anak. At ang buong akala ko ay ibibigay na nila ito sa akin. Pero hindi pala, dahil kitang-kita nang dalawang mata ko kung paano nila paghatian ang maliit at malambot pang na katawan ng baby ko.

'Hawagggg!!!' Hindi ko pa rin magawang sumigaw at puro ungol lang ang nilalabas ng bibig ko. Tuluyan na akong nanlambot nang simulang kainin ni Tita Aleen ang hindi pa buong mga kamay ng baby ko, at ang maliit na mga binti naman ang kinagat-kagat na ni Tito Andrew. Para silang mga baliw na hayok na hayok sa laman ng bata. Mali. Para silang mga halimaw na gutom na gutom sa laman loob ng tao.

Bumibilis lalo ang paghinga ko... Kitang-kita ko sa salamin ang walang tigil na pag-agos ng dugo mula sa kaselanan ko. Siguro ito na nga...

Ito na ang oras na mamamatay ako.

RecursionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon