Chapter X

1.2K 123 10
                                    



Junica's P.O.V.

'Parang wala si Ivan ngayon, ha.'

May 30 minutes na kasi ako sa Vida Feliz Café pero hindi ko pa rin nakikita ni anino niya. Napailing ako bago ko inabot ang tasa ng kape na sinerve kanina lang ni Kristine dito sa lamesa ko. Bakit ba hinahanap ko pa si Ivan eh kung tutuusin, hindi naman talaga kami close. Ibinalik ko na ang tasa sa ibabaw ng platito bago ako muling humarap sa laptop ko.

As usual, basura na naman ang naisulat ko dahil puro pangalan pa lang ang naita-type ko sa ilang araw na pamamlagi ko dito. Ang mga pangalan ng mga taong nakikilala ko dito sa Barrio San Vicente na plano kong gamitin sa bago kong nobela. At dahil ramdam ko na wala na naman ako sa mood na magsulat ngayon ay nag-Facebook muna ako. Sa totoo lang ay iniiwasan ko rin ang social media para hindi makain ang oras ko. Isa pa, mas lalo akong nape-pressure kapag nakakabasa ng mga message mula sa mga readers ko na nagre-request para sa bago kong isusulat.

Hindi ko na rin napigilan ang mapangiti nang makita ko ang mga bagong friend request sa account ko at bagong followers sa page ko. Pero hindi lang iyon ang dahilan ng pagngiti ko, kung hindi ang mga bagong picture na naka-tag sa akin. Ang mga picture nina Carla at ng mga kaklase niya na kasama ako. Clinick ko ang message request inbox ko at kagaya ng inaasahan ko ay may message doon si Carla.

'Salamat po kanina. Grabe, sobrang bait ninyo po! Hindi po namin ine-expect ng mga kaibigan ko na papansinin ninyo kami. Lagi ko pong tatandaan ang sinabi ko. Gagawin ko po ang lahat para maabot ko ang pangarap ko. Salamat po talaga, Ms. Junica.'

Parang noong kailan lang ay sinabi sa akin ni Kristine na nasasagip siya ng mga libro ko. Tapos eto ngayon, may isang Carla naman akong makikila. Sila talaga ang dahilan kung bakit pinipilit ko pa ring magsulat kahit parang nahihirapan na ako. Pinipilit ko ang sarili ko na bumalik sa pagsusulat. 'Yon naman ang palagi kong sinasabi, hangga't may nagbabasa ng mga sinusulat mo, hindi ako hihinto sa pagsusulat.

Pagkatapos kong magreply sa message ni Carla ay naisipan ko siyang i-stalk. Gawain ko na rin 'yon kapag may reader ako na nagugustuhan o natatandaan ko. Pero unti-unting nawala ang tuwa na nararamdaman ko kanina lang nang mapunta ako sa wall sa Facebook profile ni karla. Wala siyang bagong post o update. At puro mga tagged photo at post lang ang makikita doon.

Help us find our daughter, CARLA CZARAINE.

Two days ago nang una at huling beses kong nakita dito si Karla sa café... At dalawang araw na rin siyang nawawala. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-alala. Nasaan na kaya ang batang 'yon? Sana naman ay nasa maayos lang siya at makauwi na siya sa bahay nila.

"Bakasyonista ka rin 'no?"

Bumaling ang tingin ko sa isang babaeng may magandang mukha dahil sa matangos niyang ilong, naka-liptint na mga labi at bilugan na mga mata. Nakaayos din ang kulot at mahaba niyang buhok. Sa pananamit niya na spaghetti strap na pinatungan ng maong na jacket, mini skirt at boots, halatang hindi siya tiga-rito. Sorry pero ang dating niya talaga sa akin.... Para siyang trying hard na k-pop.

Hindi pa ako nakakasagot ay hinila na niya ang bakanteng upuan dito sa may lamesa ko at umupo.

"I'm Yana..." aniya bago inilahad ang kamay niya.

Ngumiti naman ako bago inabot ang kamay niya. "I'm Junica."

"Matagal ka na ba dito?" muling tanong niya bago umayos ng upo at kumutsara sa cake na nasa platito niya. Ngayon ko lang napansin na dala niya na pala ang platito ng cake niya at tasa ng kape. Sobrang seryoso ko yata sa pagbabasa ng mga bagay na tungkol kay Carla kanina. Nasa ibabaw na rin ng lamesa ko ang isang action camera niya. Kung hindi ako nagkakamali, isa siyang vlogger.

RecursionWhere stories live. Discover now