Chapter XLVII

1K 103 14
                                    



"I'm not your editor, Junica. I'm Dra. Amor, your psychiatrist."

Malinaw kong narinig ang sinabi ni Editor pero hindi masyadong maintindihan ng utak ko. Pinikit ko saglit ang mga mata ko habang pilit kong inaalala ang lahat sa nakaraan ko.

Bakit pinapakilala ni Editor ang sarili niya bilang isang doktor? Bakit iba ang pagkakakilala ko sa kanya? Kung totoo man ang sinasabi niya, bakit kailangan kong magkaro'n ng isang psychiatrist?! At kailan pa ako nagkaro'n ng doktor na para sa mga taong may sakit sa pag-iisip?!

"Hindi mo ba ako nakikilala?" Hinawakan ni Editor ang kamay ko na dahilan para salubungin ko ang mga tingin niya. Kilala ko siya. Kilalang-kilala ko siya. "Ako 'to, si Dra. Amor."

Nangilid na ang luha sa mga mata ko habang ang isip ko ay gulung-gulo pa rin.

"Two years ago, nag-undergo ka ng therapy sa akin dahil sa depression mo. Iyon ang dahilan kung bakit hindi makapagsulat. Then you had an accident kasama si Angel. At nang malaman mo na hindi nakaligtas ang kapatid mo sa aksidente, mas lalo kang na-depress. Sinabayan pa ng tuluyang pagbitaw sa 'yo ng publishing company kung saan ka nagsusulat. Kaya palagi ka na lang tulala, biglang ngingiti na susundan mo ng mga pagtawa. Minsan bumubulong ka kahit mag-isa ka lang, pero madalas talaga na nagsasalita ka kahit wala kang kausap. Hanggang sa na-develop na ang depression mo sa schizophrenia."

"Schizophrenia?" ulit ko sa salitang medyo mahirap bigkasin pero medyo pamilyar na sa pandinig ko.

"Yes, Junica. Iyon ang dahilan kaya may mga bagay o tao kang nakikita o naririnig na nasa loob lang ng isipan mo. May kinakausap ka na ikaw lang ang nakakakita. May pangyayari sa paligid mo na hindi talaga nangyayari sa totoong buhay. At nang dahil sa sakit mo, pina-confine ka ulit ng parents mo sa ospital namin. After seven months, lumabas ka na ng ospital namin and everthing seems normal. Until you decided to take a vacation somewhere dahil ang sabi mo, gusto mo ulit subukan na magsulat. Do'n ako medyo na-alarm kaya madalas kitang pinapaalalahanan na magsuot ng bluetooth earphone. Dahil baka bigla ka na namang ngumiti, tumawa o magsalita ng mag-isa ka lang. Madalas rin kitang tawagan para i-remind sa 'yo na kailangan mong uminom ng gamot mo, pati na ang schedule ng follow up check up mo sa akin."

Napalunok ako sa huling sinabi ni Editor o ni Dra. Amor. Ang vitamins na iniinom ko, gamot ko pala 'yon para sa sakit ko sa pag-iisip. At ang buong akala ko pa noon, kaya niya ako tinatawagan ay para i-follow up ang manuscript na sinusulat ko. Hindi pala. Tinatawagan niya pala ako para sa follow up check up ko sa kanya.

"Pero alam mo kung ano 'yung dahilan kung bakit mas nag-alala ako sa 'yo?"

"Ano po?"

Humugot muna ng malalim na butong hininga si Dra. Amor bago muling nagsimula. Halata sa kanya na kahit siya ay nahihirapan sa mga salitang binibitawan niya sa akin. "Nang tawagan ako ng parents mo at sabihin nila na hinahanap at kina-kamusta mo sa kanila si Angel. Na kinukulit mo sila na gusto mong makausap ang kapatid mo. Gusto nilang ipaalala kaagad sa 'yo ang totoong nangyari sa kanya pero natakot sila. Natakot sila na baka hindi mo kaagad ulit matanggap ang lahat." Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko. " Junica, natatandaan mo na ba ngayon na dalawang taon nang patay ang kapatid mo?"

Napatiim-bagang ako sa tanong na 'yun. Pilit kong pinigilan ang muling pangingilid ng luha sa mga mata ko pero humapdi lang ang lalamunan ko. At dahil alam ko na anumang oras ay maiiyak na naman ako lalo na kapag nagsalita pa ako, marahang pagtango na lang ang sinagot ko kay Dra. Amor. Mas masakit pala talaga kapag paulit-ulit kong naririnig na wala na talaga ang kapatid ko. Sobrang sakit tanggapin ng katotohanan na 'to.

"Kung nalaman ko lang ng mas maaga na tinolerate pala ng mga magulang mo ang sitwasyon at mga nakikita mo, dapat mas maaga rin akong nakagawa ng action. Hindi kasi nila sinabi sa akin kaagad na hindi nila inamin sa 'yo na wala na si Angel. Hindi nila pinalaam sa akin na hinayaan pa nilang manatiling buhay si Angel sa isipan mo. Dapat maaga akong nakapunta sa 'yo. Dapat hindi na nangyari ang lahat ng 'to." Nanginginig na rin ang boses ni Dra. Amor, parang pati siya ay nagpipigil ng maiyak.

"Ibig sabihin, baliw lang talaga ako kaya nai-imagine ko na buhay ang kapatid ko? Lahat ng nangyari sa akin, hindi totoo? Lahat ng nakikita at naririnig ko, imahinasyon ko lang talaga? Lahat ng nakakausap ko, hindi nag-eexist sa mundong ito?" medyo naluluha kong tanong.

Marahang tumango si Dra. Amor. "Bumalik lang ang sakit mo, Junica. Pero kaya pa rin nating gamutin 'yan kagaya ng dati. Gagaling ka pa rin at babalik sa normal."

"Imagination ko lang pala talaga ang lahat... Imagination ko lang kahit si Ivan." Tama pala ang lahat ng sinabi ni Ricky. Walang Ivan na nag-eexist sa mundong ito dahil parte lang siya ng imahinasyon ko. Parte lang siya ng nobela ko. Imahinasyon ko lang siya.

"I-Ivan?" May pagtatakang ulit ni Dra. Amor sa pangalan na binanggit ko.

"Opo, si Ivan po 'yung lalaking madalas kong kinu-kwento sa inyo sa tuwing magkausap tayo sa cellphone," sagot ko.

Tumayo si Dra. Amor at naglakad palayo mula sa akin bago muling bumalik. Ilang beses niya ring ginawa iyon na muling nagpapagulo ng isipan ko. Para kasing hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula sa akin.

"Bumalik na rin pala siya sa alaala mo," sa wakas ay sabi ni Dra. Amor habang nakatingin sa akin. Huminto na siya sa ginagawa niyang pabalik-balik na paglalakad at lumapit na sa akin.

Namilog ang mga mata ko kasunod ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko na kahit si Ricky ay nagulat sa sinabi ng psychiatrist ko. "T-Totoo si Ivan?! Nag-eexist talaga siya sa mundong ito?!"

Muli akong naguluhan sa kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong matuwa na nabibigyan ako ng pag-asa na hindi ko lang imahinasyaon si Ivan? Dahil baka pwedeng matulungan niya akong malinis ang pangalan ko. Pero bakit parang hindi nagustuhan ni Dra. Amor nang marinig niya ang pangalan ni Ivan mula sa akin? Bakit parang hindi siya natutuwa na may naaalala ako na connected kay Ivan?

"Oo, Junica... Totoong tao si Ivan."

Tuluyan na akong naiyak sa naging sagot ni Dra. Amor. Saglit ko pang tiningnan si Ricky na bakas sa mukha na hindi rin siya makapaniwala sa narinig niya. Muli kong sinalubong ang nag-aalalang mga tingin ni Dra. Amor. "N-Nasaan siya? Pwede ko ba siyang makita? Paano ko siya ulit makakausap?"

Napailing si Dra. Amor na tila mas nahihirapan sa mga susunod niyang sasabihin. Salubong na ang mga kilay niya habang nakatitig sa akin. "Gusto mo na ba talagang maalala ang lahat? Handa ka na ba talagang balikan ang nakaraan mo?"

Mabilis akong tumango sa dalawang tanong na binato niya sa akin. Kahit hindi ako sigurado kung handa na ba talaga ako, gusto ko pa ring malaman ang lahat. Gusto ko nang malaman ang lahat ng tungkol sa nakaraan at pagkatao ko. "Yes, please... Sabihin ninyo na po sa akin ang lahat."

Lumunok muna ng laway si Dra. Amor. Pinikit niya ang mga mata bago nagbitaw ng isang malalim na buntong hininga. Muli siyang dumilat at tumitig sa akin. Lalo niya akong pinapakaba sa ginagawa niya. Ano bang parte sa nakaraan ko ang hirap siyang sabihin sa akin?

Muli siyang nagbitaw ng isang mas malalim na buntong hininga bago binuka ang mga labi niya para magbitaw ng mga salita.

"You're a victim of rape, Junica."

***

***

***

***

***

***

Grabe, apat update na lang pala tayo mi Labs. Huhu

Pero marami pang susunod na revelation.

Handa na ba kayo? Kaya pa ba?

Kapit lang ha?

Konting kapit na lang talaga, matatapos na ang kabaliwan sa nobelang ito.

Sana suportahan ninyo pa rin hanggang sa huli. :)

Pati na rin ang bago kong nobela na 'UNTITLED'

Salamat, mi labs! :)

RecursionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon