Chapter XIV

1K 94 4
                                    



"Late ka yata?"

Napataas ang tingin ko kay Ivan na umupo na sa katapat ko bago ko tinuloy na buksan ang laptop ko. "Napasarap tulog ko eh," nakangiting sagot ko. Nang makapasok na ako sa kwarto ko kagabi, dumiretos na ako ng ligo at pagto-toothbrush at kaagad na nakatulog. Para akong napagod na hindi ko maintindihan.

"Okay lang 'yan, at least nakatulog ka ng maayos," sabi niya.

"Ikaw? Anong oras ka pa dito?" balik tanong ko bago ini-on ang kaharap kong laptop.

"Medyo kanina pa. Paalis na rin ako. Hinintay lang talaga kita."

"Ha? Bakit mo naman ako hinihintay?" kumunot ang noo ko pero sa loob ko, may kung anong kilig akong nararamdaman.

"Wala lang, bakit bawal na ba?" siya naman ang nagtanong habang nagkangiti na parang nagpapa-cute.

"Alam mo ang weird mo ngayon," napapailing na sabi ko. Nilabas ko na rin ang notebook at ballpen ko. Itinuon ko ang tingin ko sa screen ng laptop ko na nagsimula nang bumukas.

"Gusto ko lang kitang makita talaga. Siguro naman pwede nang sagot 'yun."

Pasimple akong bumuntong hininga. Napaksimple lang ng sinabi niya pero ang lakas magpakilig ng dating sa akin. Pero siyempre hindi ko 'yun pinahalata at nagkunwaring natatawa na lang. "Ewan ko sa 'yo."

"Sige na, I have to go na rin."

Binalingan ko na siya ng tingin. "May lakad ka?"

"Oo, narinig mo na siguro 'yung pagkawala ng dalawang bata do'n sa kabilang barrio."

"Sina Carla at Erwin?" patanong na sagot ko.

"Oo... Sila nga." Eto na naman ang mukha ni Ivan na nagsisimulang maging seryoso. Ang mukha niya na medyo nagpapakaba sa akin. Pero mas pinapakaba ako ng maging topic namin ang dalawang teenager na akala ko ay nakita ko kagabi na magkasama. Sina Ivan at Carla na wala nang mga kamay. Bakit ba gano'n ang nakita ko? Bakit gano'n ang naimagine ko na nangyari sa kanila? "Tutulong kasi ako paghahanap sa kanila. Alam mo ba kung saan sila huling nakita?"

"Dito sa Vida Feliz Café..." mahina pero malinaw na sagot ko habang nakatingin sa seryoso niyang mga mata.

Saglit na namagitan sa amin ang katahimikan. Para bang nag-uusap kami gamit ang mga isip bago siya bumuntong hininga at muling ngumiti. "Oo nga pala, pwede ko bang makuha ang cellphone number mo? Para kung may oras ka at may gusto kang puntahan dito o sa kabilang barrio, pwede kitang samahan. Kung okay lang naman."

"Oh sige, ayos lang." Inabot ko na ang cellphone niya at idinial ang number ko. Wala naman akong nakikitang masama kaya hindi na ako nagdalawang isip pa.

"Eto, imi-miss call na kita para ma-save mo rin ang number ko." Ilang saglit lang pagkatapos niyang makuha ulit ang cellphone niya ay pina-ring niya naman ang cellphone ko.

"Okay na. Save ko na lang 'to."

"Oh sige, alis muna ako. Ingat ka dito ah. Siguro, usap na lang tayo mamaya. Bye." Tumayo na si Ivan at naglakad palabas ng café.

Tatayo na rin sana akopara umorder ng pagkain ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.

'Ang ganda mo ngayong umaga. Bagay talaga sa 'yo ang nakalugay lang.'

- Ivan

Hindo ko na napigilan ang mapangiti sa text na nabasa ko. Hindi ko pa naman talaga lubusang kilala si Ivan pero bakit sobrang gaan ng loob ko sa kanya. 'Yung pakiramdam na para bang matagal na kaming magkakilala at may malalim na pinagsamahan. Ewan!

"Best friend!!!"

Napatingin ako sa bagong pasok ng café na sa Yana. Saglit pa akong luminga-linga sa magkabilang tabi ko para hanapin ang kausap niya, kasunod ang pagkunot muli ng noo ko. Ako ba 'yung tinatawag niyang bestfriend?

Naglakad na si Yana palapit sa akin at umupo sa kanina lang ay pwesto ni Ivan. "Akala ko hindi na kita maaabutan dito kasi tinanghali ako ng gising."

"Actually, ako rin. Medyo na-late ng gising kaya kakarating ko lang dito." Medyo akward na sagot ko. Ang taas kasi ng energy niya. Sa totoo lang, hindi ako makasabay.

"Ang sarap kasing matulog 'di ba?" aniya. Inilagay niya na rin ang bag na dala niya sa katabi niyang upuan. Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang hindi na naman ako makakapagsulat ng maayos ngayon dahil sa kanya. "Anong plano mo today?"

"Magsusulat kagaya ng dati," tipid na sagot ko. "Bakit mo natanong?"

"Wala lang... Uhm... Gusto mo mag-vlog tayo together?"

Kaagad akong umiling. Hindi naman sa camera shy ako o ano, pero hindi ko kasi trip ang magpa-cute sa harap ng camera. "Sorry pero medyo busy kasi ako ngayon. Sa totoo lang, wala pa akong nasisimulan na isulat."

"Ah... gano'n ba?" Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Yana pero wala rin naman akong pakialam. Mas okay sa akin na mainis siya at umalis na dito sa lamesa ko. Pero mukhang manhid siya at hindi niya mage-gets 'yon. "Alam ko na! Magsulat ka na lang d'yan habang nagba-vlog ako dito."

"Ha?" medyo inis na saad ko.

"Basta ako ng bahala. Hindi kita aabalahin, promise. Medyo kukuhanan lang kita ng camera pero hindi kita kakausapin, gets? Don't worry, sagot ko na ang breakfast mo ngayon. Game na tayo ha?" Bago pa ako nakasagot sa huling sinabi niya ay tumayo na siya at pumunta sa counter. Iniwan niya rin sa ibabaw ng lamesa ang ilang gamit nang hindi man lang iyon inaayos. Ang burara! Nakakainis!

Hindi ko na napiglan ang malalim na pagbuga ko ng hangin. Kailan kaya ako makakapgsulat ng tahimik at maayos sa lugar na 'to?

RecursionWhere stories live. Discover now