Chapter XLVI

1K 102 26
                                    

Hala. Limang update na lang tayoooooo!!!

Parang ang dami ko pang ire-reveal hahaha

Salamat sa sumusubaybay ng nobelang ito na malapit nang matapos.

Maraming salamat din sa lahat ng bumi ng libro ko sa Psicom, ABS-CBN Publishing and VIVA Books Sale kanina.

Maraming salamat, Mi Labs!

Enjoy this chapter. :)

****

****

****

****

****

Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Ricky na may hawak na dalawang styrofoam cup na umuusok.

"Eto na ang kape mo."

"Salamat," sabi ko nang abutin ko ang isang styrofoam cup na mainit-init pa. Saglit ko 'yong hinipan bago ako humigop ng kaunti. Mapait ang kape, halatang walang halo ni kaunting gatas o asukal.

Saglit na namayani ang katahimikan sa loob ng maliit na kwarto. Medyo napapaso na ako sa hawak ko mainit na styrofoam cup pero wala na akong pakialam pa. Mas nangingibabaw sa akin ngayon ang kirot na nararamdaman ko sa ulo ko.

"Pwede ko bang mahiram ang cellphone ko? May gusto lang akong tawagan."

"'Yung parents mo ba?" tanong ni Ricky.

Umiling ako. "Hindi sila... Kung hindi si Ivan."

"Sinong Ivan?" muling tanong ni Ricky. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Siya ang taong makakapagpatunay na totoo ang lahat ng sinasabi ko. Hindi ninyo ba siya nakita sa loob ng place ko? Oh baka nakatakas na siya bago pa man kayo dumating."

"Si Ivan 'yung lalaki na lagi mong kasama sa nobela mo," ani Ricky.

"Hindi ko siya kathang isip lang, okay?! Ibigay mo na lang sa akin ang cellphone ko at tatawagan ko siya para malaman ninyo ang totoo!"

Napailing na lang si Ricky. Mula sa katabi niyang paper bag ay kinuha niya ang isang cellphone at inabot sa akin. Nilagay ko naman sa ibabaw ng katabi kong drawer ang baso ko ng kape bago ko sinimulang buksan ang cellphone ko. Mabuti na lang at may battery pa 'yon. Kaagad akong pumunta sa call history pero nagtaka ako dahil ang mga nakarecord lang doon ay ang mga naging tawag namin ng mga magulang ko, ni Editor, ni Yana at ni Kristine.

"Sinong nakialam ng cellphone ko?! Bakit binura ninyo ang history ng tawag namin ni Ivan?!"

"Walang Ivan na naka-save sa phonebook mo Junica. Wala rin sa inbox o sa call history," mahinahong sagot ni Ricky.

"Hindi pwedeng mangyari 'yon dahil palagi kaming magkatawagan at magkatext. Alam ko na nag-eexist siya at hindi imagination ko lang. Nasa Barrio San Vicente talaga siya at hinahanap niya ang girlfriend niyang matagal nang nawawala." Muli kong pinakialaman ang cellphone ko at napunta ako sa gallery ng mga picture. Napatulala na ako nang makita ko ang picture namin ni Ivan. Ang picture ko na natatandaan kong dapat ay katabi ko si Ivan. Pero sa picture na 'yon, mag-isa lang ako na nakangiti.

"Si Ayen Rolle ba ang sinasabi mo na girlfriend ni Ivan?"

"Nakita mo rin ba ang pangalan na 'yan sa nobela ko?" medyo naiiyak ko nang tanong. Kung kathang isip ko lang si Ivan, marahil pati na rin ang girlfriend na sinasabi niya sa akin noon.

Umiling si Ricky at inilabas ang isang papel na mula rin sa loob ng paper bag.

'Missing Girl. Ayen Rolle 21 years old. 5'2 ang height. Maputi. Wavy ang buhok na hanggang balikat. May nunal sa kanang pisngi. Huling nakita na nakasuot ng pulang blouse at maong na pantalon. Kung sino man po ang nakakita sa kanya, pakitawagan ang cellphone number na nakasulat sa baba.'

"Nakita namin ang papel na 'yan sa loob ng storage compartment ng kotse mo. Totoong tao si Ayen Rolle at totoo na matagal na siyang nawawala. Pero walang Ivan ang naghahanap sa kanya. Tanging ang mga magulang at kapatid niya lang ang naghahanap sa kanya dahil wala naman daw siyang boyfriend."

"Pero imposible 'yun, dahil kay Ivan ko nakilala ang Ayen na 'to!" giit ko pa.

"Posible rin nang makita mo ang papel na 'to, ibang Ayen Rolle ang pumasok sa isip mo at ginawan mo na 'to ng bagong kwento," sagot ni Ricky.

Malakas kong binato ang cellphone ko at nagkapira-piraso iyon nang tumama sa pader. "Hindi nga kasi ako nababaliw! Totoo ang lahat ng mga sinasabi ko! Totoo si Ivan! Siya ang magpapatunay sa inyong lahat na hindi ako ang baliw sa lahat ng nangyayari ngayon!" halos mapunit ko na ang papel na nasa kamay ko. Hindi ko na rin mapigilan ang luha sa mga mata ko.

Ilang ulit kong tinatanong dati kung ano ang totoo sa hindi pero ngayon, parang sinasampal na sa akin na lahat ay kathang-isip ko lang. Na lahat ay parang imahinasyon ko lang at ako lang ang gumagawa ng kasinungalingan dito.

"Ms. Junica, kumalma ka muna. Dahil kapag nagpatuloy ka sa pagwawala mo, mapipilitan akong tawagin ang mga nurse para pakalmahin ka!"

"Paano ako kakalma kung walang sinoman sa inyo ang naniniwala sa akin?! Ricky, ako ang biktima dito! Ako ang inargabyado at sinaktan! Ako ang nag-iisang witness at makakapagpatunay na baliw ang pamilya ni Kristine! Bakit ba yaw ninyo akong paniwalaan!?"

"Tama na... H'wag ka nang sumigaw dahil lalo lang magugulo ang lahat ngayon. Kumalma ka muna dahil may isang tao pa ang gustong kumausap sa 'yo. At sa pagkakataon na 'to, kailangan na maging mas mahinahon ka."

Malalim ang paghingang ginagawa ko habang wala pa ring tigil ang pagbagsak ng mga luha ko. Sabay kaming napalingon ni Ricky sa biglang bumukas na pinto.

"Nandito na pala siya," sabi ni Ricky.

Magkahalong tuwa at pagkalito ang naramdaman ko nang makita ko ang isang babaeng matanda sa akin ng ilang taon, nakapuyod ng mataas ang buhok niya at may suot siyang makapal na salamin sa kanyang mga mata.

"E-Editor..." sambit ko.

Kumalma na ako kahit paano dahil alam ko na matutulungan niya ako. Alam ko na maniniwala siya sa lahat ng sasabihin ko. 

Umalis  naman sa kaharap kong upuan si Ricky at pumunta sa may sofa. Si Editor na ngayon ang nasa harapan ko at  marahan niyang hinawakan ang mga kamay ko.

 "Hindi mo ba ako nakikilala, Junica?

Kumunot ang noo ko. Kilala ko siya at hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang editor ko at ang palagi kong katawagan noong nasa Barrio San Vicente ako. Siya rin ang nakakaalam ng lahat ng tungkol sa buhay ko bilang manunulat. Kaya paanong hindi ko siya makikilala? "Kilala ko po kayo... Kayo po si Ms. Amor, ang editor ko."

Nakagat ni Editor ang labi niya bago siya umiling. Nakita ko pa ang paggalaw ng lalamunan niya na parang lumunok muna siya ng laway bago bumuntong hininga. Saglit niya pa akong tinitigan na para bang pinapakiramdaman niya kung may susunod pa akong sasabihin. Hanggang sa bumuka na ang bibig niya at muling nagsalita.

"I'm not your editor, Junica.

I'm Dra. Amor, your psychiatrist."







RecursionWhere stories live. Discover now