Chapter XLVIII

1K 88 13
                                    


SOMEONE'S P.O.V.

Nagpalinga-linga ako sa paligid habang nanginginig ang buong katawan ko sa lamig at takot. Ramdam ko rin ang hapdi ng mga sugat sa balat ko dahil sa hampas, paso ng sigarilyo at kung ano-ano pang sugat na meron ako. Pero muli akong nagpatuloy na maglakad palapit sa may harapan ng batong bahay.

Naluha na ako nang makita ko ang boyfriend ko. Baluktot siyang nakahiga sa putikan at hindi ako sigurado kung buhay pa ba siya o kung humihinga pa.

Muli akong nagpalinga-linga sa paligid.

Wala pa rin ang mga demonyo.

Pigil ang mga luha habang tutop ko ang bibig ko nang muli akong maglakad. Ingat na ingat ako sa bawat yapak ko dahil ayokong makagawa ng kahit na anong ingay. Hindi pwedeng malaman ng mga demonyo na binalikan ko ang lalaking pinakamamahal ko.

"B-Babe." Halos bulong ko bago tuluyang nabasa ng mga luha ang magkabila kong pisngi. Nilapitan ko na siya. Saglit na niyakap bago tinapik-tapik ang kanyang mukha. "B-Babe, wake up."

Bugbog na bugbog na ang mukha niyang halos hindi ko na makilala pero ramdam ko na buhay pa rin siya. At hangga't humihinga ang mahal ko, naniniwala ako na may pag-asa pa ring makatakas kami mula sa impyernong lugar na 'to.

"C-Carol." Basag na ang boses niya at hirap na rin siyang magsalita. Isang mata na nga lang din niya ang nagawang niyang imulat ng kaonti dahil maga na rin pati ang mga talukap niya.

"Oh my God, babe! Akala ko hindi ka na magigising!" Naiiyak na sabi ko bago ko hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Ramdam ko ang sakit na iniinda niya sa bawat maliit na pagkilos bago niya nagawang makabangon.

"B-Bakit bumalik ka pa?" balot ng dugo ang kanyang buong mukha pati na ang kanyang mga braso.

"Hindi kita pwedeng iwanan! Halika, tutulungan kitang makatayo."

"Ah!" Kaagad niyang nakagat ang labi niya nang subukan ko siyang alalayang makatayo. Pinigilan niya ang sarili na sumigaw dahil sa labis na sakit na nararamdaman.

Bumaba ang tingin ko sa mga paa niya kasunod ang pangangatal ng mga labi ko. Dislocated na pala ang mga tuhod niya at balid na rin ang mga buto niya sa binti.

Muli akong naiyak pero mabilis ko ring pinunsan ang mga luha ko. Ayokong iwanan siya sa lugar na 'to. Ayokong makatakas ng hindi siya kasama.

"U-Umalis ka na... Iwanan mo na ako dito," naiiyak na ring sabi niya. Hindi na kababakasan ng kahit na anong pag-asa ang mukha niya.

Mariin akong umiling. "Hindi! Hindi ako aalis!"

"Carol, please! Hindi pwede na pareho tayong mamatay sa lugar na 'to! Namatay na ang mga kaibigan natin kaya hindi ko pwedeng hayaan na pati ikaw ay mamatay pa! Umalis ka na! Hayaan mo na ako dito!"

"B-Babe..." Wala na akong maapuhap na salitang kayang sabihin ng mga oras na 'yun. Mas naiyak na lang ako habang hawak ko ang mga kamay niya.

"Kailangan mong mabuhay, Carol. Mabuhay ka para sa akin, please." Ramdam ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa mga kamay ko na unti-unting lumuwag hanggang sa tuluyan na 'yong bumitaw. Hinawakan niya ang magkabilang kong pisngi bago ako hinagkan sa noo. "Mahal na mahal kita, Carol."

Lalo akong naiyak nang yakapin niya ako ng mahigpit. Ramdam kong umiiyak na rin siya pero ayaw lang niyang iparinig sa akin.

"Whoooo!!! Ang ganda namang eksena neto!!! Ang drama!!!"

Napasandal ako sa katabi dahil sa isang lalaking biglang nagsalita. Nang ilibot ko ang pangin ko, saka ko lang napagtanto na bumalik na pala ang mga demonyo.

Mali! Dahil mukhang kanina pa nila kami pinanood.

"Sabi na at babalik 'tong si tisay eh!" humahagikhik na sabi ng isa sa mga demonyo.

"Mahal na mahal kita. Umalis ka na dito." Inarte ng isang demonyo ang mga sinabi sa akin kanina ng boyfriend ko. Sinundan niya iyon ng malakas na pagtawa.

"Hindi ka talaga nadadala, tisay 'no? masyadong kang matapang para bumalik dito sa lungga namin!"

"Parang awa ninyo na, pakawalan ninyo na lang siya. Ako na lang ang patayin ninyo." Pakiusap ng katabi ko habang nakayakap ng mahigpit sa akin.

"Gago ka ba?! Pare-preho kayong magsasama sa impyerno ng babaeng 'to at ng mga kaibigan mong nauna na do'n!" sabi ng isang demonyong may sugat sa pisngi. Alam ko kung gaano kalalim ang galit niya sa akin ngayon dahil ako ang may gawa ng naging sugat niya sa kanyang pisngi. Hinawakan niya ang braso ko pero ang dalawang kamay ng boyfriend ko ay mas humigpit ang pagkakayakap sa akin. Kumapit din  ang isang kamay ko sa kanya. "Ah, ayaw mong bumitaw ah!" isang malakas na tadyak ang ginawang ng demonyo sa mukha ng katabi ko na dahilan para tuluyan niya na akong mabitawan.

"Babe!" lalapit pa sana ako nang may humablot sa nanlalagkit kong buhok at hinila ako palayo. Ramdam ko ang pagkatanggal ng ilang hibla sa buhok ko dahil sa pagkakasabunot sa akin ng isa sa mga demonyo.

Ang naiwang demonyo sa may tabi ng boyfriend ko ay hindi pa rin siya tinantanan at pinagsisipa sa iba't-ibang bahagi ng katawan niya. Hanggang sa malakas nitong tapakan ang dislocated na mga tuhod ng lalaking mahal ko.

"Ahhhh!" 

"Tama na! Tama na! Parang awa ninyo na! Tigilan ninyo na siya!" ako naman ang nagmamakaawa ngayon. Wala na ring kahit na anong tapang na natitira ngayon sa katawan ko. Lahat ay takot at awa na dahil sa nakikita ko. Pilit akong nagpumiglas sa demonyong nakasabunot sa buhok ko. Alam kong may hawak siyang baril pero wala na akong pakialam pa kung bigla na lang niya akong barilin.

Nagawa kong kumawala mula sa kanya at pagapang akong lumapuit sa demonyong nananakit sa lalaking mahal ko. Niyakap ko ang mga binti niya para tigilan na niya ang ginagawa niya. "Tama na... tama na, parang awa ninyo na! Maawa kayo sa kanya. Tigilan ninyo na siya!"

Huminto na ang demonyo sa ginagawa niyang pananakit. Humihingal siyang napatingin sa akin habang ang boyfriend ko ay nakabaluktod na sa putikan at yakap-yakap ang kanyang sarili.

Bumitaw na ako sa pagkakayakap ko sa mga binti ng demonyo. Bahagya akong umatras dahil ramdam ko na lalapitan niya ako.

"Alam mo, type talaga kita eh. Ganyan na ganyan talaga ang mga tipo ko ng babae. Kaya nga ikaw talaga ang tinira kong buhay sa inyong lahat na magkakaibigan. Kasi ikaw ang pinaka-gusto kong pagsawaan hanggang sa huli. Pero sige, pagbibigyan kita... maaawa ako sa boyfriend mo, tisay."

Nanlaki ang mga mata ko nang ilabas niya ang isang baril mula sa kanyang likuran. Nangatal ang mga labi ko. Bumilis ang tibok ng puso kong tila sasabog na. Lalo na nang dahan-dahang itapat ng demonyo ang hawak niya sa mukha ng lalaking namimilipit sa sakit ng mga sugat at pasa niya.

Bumagal ang tingin ko sa nangyayari sa paligid ko. Para bang nag-slow motion sa akin ang lahat. Hanggang sa pati na ang dahan-dahang pagkalabit ng demonyo sa gatilyo ng hawak niyang baril na nakatutok sa ulo ng lalaking pinakmamahal ko.

Isang malakas na putok na baril.

Isang sigaw.

At isang sumabog na bungo ng tao.

"Ivan!!!!"

RecursionWhere stories live. Discover now