Pre-Final Chapter

1.2K 99 12
                                    


Maraming kayang gawin ang isang BALIW.

Kaya niyang magsulat ng kwento, umarteng inosente, at magpanggap na hind siya ang totoong BALIW.

Handa na ba kayong malaman ang buong katotohanan?

Handa na ba kayong makilala sila?

****

****

****

****

****

****

ANDREW'S P.O.V.

"Sigurado ba kayong nakandado ninyo ng mabuti ang mga pinto sa apartelle at sa café?" tanong ko habang nagku-kuskos ng sahig naming may bahid pa ng dugo.

"Opo, Daddy. Ako po mismo ang nag-double check kanina. Sinarado ko na rin po ang mga bintana at binaba ang kurtina," sagot ni Kristine. Siya naman ang abala na magkuskos ng dingding na may mga langaw pa ring dumadapo.

Bumukas ang pinto at pumasok si Aileen na may dala na tray ng inumin at pagkain. Naglakad siya patungo sa may sulok na hindi pa masyadong malinis pero pinaka-maayos ng parte ng aming espesyal na kwarto sa ilalim ng Museo Caridad.

"Tama na muna 'yang ginagawa ninyo, tara muna dito at magmirienda muna kayo," tawag nio Aileen.

Nauna nang tumayo si Kristine. Pumunta muna siya sa may lababo ng espesyal na kwarto at naghugas ng kamay bago lumapit sa lamesa.

"Wow! Siopao!" sambit ni Kristine.

"Mabuti na lang may natira pa akong giniling na karne ng tao. Ilang araw na tayong kumakain ng karneng baboy at baka kaya alam ko na nauumay na rin kayo sa lasa ng mga 'yon. Pero kaonti na lang ang natitirang sariwang karne do'n sa taguan ko. Mula pa 'yon sa katawan nina Tony at Myra, bago ko pinalibing ang mga ulo nila sa Daddy mo. Nasama ko rin sa giniling kong karne 'yung laman ng babaeng huling pinatay ng Lola mo." Umupo na rin si Aileen at uminom ng juice. "Andrew, halika na dito. Mamaya mo na ipagptuloy 'yang ginagawa mo, lumapit ka na dito dahil lalamig ang kape na tinimpla ko para sa 'yo."

Bumuntong hininga ako bago ko binitawan ang brush na hawak ko. Pinunas ko lang sa damit ko ang kamay kong nanlalagkit pa sa pawis, putik at dugo bago ako naglakad patungo sa may lamesa. Umupo na ako sa bakanteng upuan bago ko hinipan ang tasa ng kape kasunod ang paghigop ng kaonti. "Si Mama? Nasaan siya?"

"Nasa kwarto at natutulog, kinandado ko muna siya do'n pero nag-iwan naman ako sa balde na katabi ng higaan niya ng dalawang putol na kamay para kapag nagising siya, kakainin na lang niya ang mga iyon," sagot ni Aileen.

"Mabuti at may natira ka pang kamay?" tanong ko bago ko pinirasuhan ang siopao na hawak ko at sinubo.

"Oo, tatlong piraso na nga lang. Mula din 'yon sa katawan nina Tony at no'ng babaeng pinatay ni Mama sa may kalsada noong gabi ng bisperas ng fiesta, naitabi ko kaagad nang sabihin mo na kailangan nating magligpit ng mga gamit dito sa baba," muling uminom ng juice si Aileen.

"Mabuti naman kung gano'n. Alam mo naman 'yon si Mama, kailangan na may nakahandang pagkain pagkamulat ng mga mata niya." Ilang araw bago ang pagsugod ng manunulat na si Junica sa museo ko, nagdesisyon ako na ayusin ang lahat ng mga gulo na ginagawa ng pamilya ko. O namin ng pamilya ko. Dahil lahat naman kami may kanya-kanyang kabaliwan. Madali lang talaga kaming magtagio at maingat lang talaga ako.

RecursionWhere stories live. Discover now