CB49

22.2K 634 170
                                    

CB49

Tatlong araw ang lumipas na hindi umuuwi si Sena. Fortunately, we know some of her friends, the reason why we can breathe easy, knowing that she's safe. Nasa apartment ito ng isa niyang kaibigan. Hindi raw ito lumalabas at hindi rin pumapasok sa trabaho.

Honestly, I've been tempted a lot of times to go to her already. Iniisip ko lang si Mama. She still thinks that Sena will find her way home on her own. Kung gusto ko daw itong matuto ay kailangan ko siyang hayaan sa sarili niyang desisyon.

Mama is firm in believing that we had overindulged her too much on letting her do whatever she wants without actually starting to accept and move on. Pero kahit pa ganon, hindi niya matatago sa akin ang pag-alala niya.

I believed that it will be difficult for Sena. Lalo na dahil alam ko na inalagaan niya ang galit niya sa sobrang tagal na panahon. It won't be easy to knock on the heart that is solidified by grief and hatred. However, that's only my opinion.

Maybe... a mother's word really has its own magic...

"Sena..." tulala kong tawag habang ilang ulit pang kumurap. Hindi ko alam kung maniniwala ba akong nasa harap ko talaga siya kahit hindi naman siya nawala pagkatapos ng ilang segundo.

"H-hey..." mahina niyang bati at umiwas ng tingin. Hinahaplos niya ang kanyang braso at malikot ang kanyang mga mata. Dumapo na ito sa lahat ng parte pwera na lang saakin.

I gulped. "Nandito ka..." I whispered.

Agad akong tumayo ng ayos at suminghap noong unti-unting pumasok sa utak ko kung anong nangyayari ngayon. Sena! Sena's here!

"Ito pala yung martial arts center mo..."

She looks very uncomfortable but it made me so happy that she's in front of me now. Oo nga pala, ito ang unang beses niyang makita ito. Hindi siya pumunta noong opening nito-o kahit pa kailan.

Ngumiti ako sa kanya. "O-oo... gusto mo ba pumasok?" tanong ko.

Sa wakas ay tumigil ang mga mata niya saakin. Tinitigan niya ako saglit bago mabagal na tumango at umiwas ng tingin ulit.

I smiled and held my hand to signal her to walk and go inside. Noong makapasok kaming dalawa ay agad kong binitawan ang walis at pandakot na hawak ko. Sa totoo lang ay dapat, papaalis na ako. Nakita ko lang na makalat ang harap kaya bumalik ako sa loob para kumuha ng panlinis. I'm glad that I stayed more... she won't probably find me here if I left earlier.

I toured her a little while we're walking inside. Hindi siya nagsasalita at tumitingin lang siya sa tinuturo ko pero nakita ko sa mata niya ang interes niya sa mga sinasabi ko. Minsan ay natutulala pa ako dahil hindi ako makapaniwalang sinadya niyang pumunta dito...

"Dito na lang tayo," saad ko habang binubuksan ang pinto ng isa sa mga training room. "Pasensya na, wala akong na-handang pagkain dahil hindi ko alam na pupunta ka. May gusto ka ba? Mag-oorder na lang ako..."

"Hindi na... kakakain ko lang din..." sagot niya habang iniikot ang tingin sa paligid.

"Alright..." I said while leading her to the table. Binaba niya ang bag niya doon at humila ng upuan at doon umupo.

I remained standing, looking at her like she's just a dream. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula o paano ko siya kakausapin pa. Obviously, she's here for something.

"Sagutin mo muna..."

Napakurap ako dahil sa bigla niyang pagsasalita. "Huh?"

"Yung cellphone mo."

Nataranta ako noong mapagtanto ko na tumutunog pala ang cellphone ko. Agad kong kinapa ang bulsa ng suot kong baggy jeans at tinignan iyon. Rion's is already calling. Napakagat ako ng labi. I promised him that I'll be with him later this afternoon.

Crystal BreezeWhere stories live. Discover now