CB48

20.8K 638 138
                                    

CB48

"Ako na ang hihingi ng tawad para sa kapatid mo, Syn..."

Umiling ako kay Mama habang hawak ng dalawang kamay ko ang baso ng tubig na nasa lamesa. Kanina pa kami magkatapat na nakaupo ni Mama dito at ngayon lang siya nagsalita. Si Sena ay nasa kwarto niya pa din. I'm worried, but I also know that she needs space today.

"Ako ata ang kailangang humingi ng tawad sa'yo, Ma..."

"Syn..."

"Hindi ko alam kung nagawa ko na ba sa'yo iyon. Noong una kasi natatakot akong magsabi sayo... natatakot akong kausapin ka..." tumigil ako. Hindi ko magawang sabihin sa kanya na hindi ko magawang kalimutan iyong mga araw na hindi niya ako magawang bigyan ng tingin.

"Alam kong sobrang huli na pero sorry, Ma. Hindi ko na-protektahan si Kuya. Sorry kasi alam kong hindi ko dapat sila iwan pero tumalikod pa din ako. Sorry kung dahil saakin-" Hinuli ni Mama ang kamay ko at pinisil ito kasabay ng pagtulo ng luha ko, dahilan kung bakit hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

Nadurog ang puso ko dahil sa ngiting ibinigay niya saakin noong lumingon ako sa kanya. Umiling siya saakin na para bang sinasabi niyang hindi ko kailangang sabihin iyon.

Dinala niya ang kamay ko sa harap niya. Doon nanatili ang mata niya habang tila hinahaplos ito ng kanyang mga hinlalaki.

"Nagalit ako at nasaktan noong nawala si Kyle..."

My heart skipped a beat. Bumalot saakin ang sakit mula sa aking dibdib. Alam ko 'yon, Ma... kung alam mo lang...

"Alam ko kasing mahal na mahal mo ang Kuya mo, Syn. Kaya noong marinig ko ang lahat ng nangyari mula kay Sena, hindi ako makapaniwala. Hindi ko kayang titigan ka... kasi masakit... sobra..."

My tears fell. "Ma..."

"Pero alam mo Syn... napagtanto ko na ang dami ko ring dapat ihingi ng tawad sa'yo. Sobrang dami kong pagkukulang sa'yo. Sobrang liwanag ng hinaharap mo noon. Nasa'yo na lahat ng kailangan para magtagumpay. Pero para sa pamilyang 'to binitawan mo lahat... edukasyon, kabataan, pangarap... Halos kinuha namin lahat ng dapat ay nasa buhay mo..."

Umiling ako habang umiiyak. No... that's not true. I never felt like I was robbed. I was happy to do everything for them.

"Araw-araw, nasa panganib ang buhay mo pero wala kang reklamo. Uuwi ka na parang hindi ka pagod pero alam mo ba, Syn... ilang beses ko ding kailangang itago na napapansin ko iyong mga galos at sugat mo. Natatakot ako para sa'yo... pero aaminin ko na mas natatakot ako para pamilya natin kung sasabihin mong napapagod ka na at ayaw mo na..."

My lips parted. Kumirot ang puso ko. I know that what I really intended to do was to hide those wounds from them. Minsan nga ay hinihiling kong kung mapansin man nila ay hindi nila iyon punahin saakin. Iyon naman ang gusto ko... pero hindi ko alam na masakit pa rin pa lang marinig ito. It's so cruel...

"Ang damot ko sa'yo, Syn... namin. Pero ikaw, bigay pa rin ng bigay. Kung tutuusin, kayang-kaya mo na ang sarili mo. Maaari mo na kaming iwan dahil pabigat lang kami sa'yo... pero hindi mo ginawa."

Umiling ulit ako. I cannot do that. Sa kanila umiikot ang mundo ko noon. I love them so much that I couldn't care less...

"Ma, hindi ko 'yon gagawin..."

Tumango siya. "Alam ko... alam ko, Syn..."

Tumutulo ang luha niya ngunit nananatili siyang nakangiti saakin. Hindi niya pinansin ang sarili niyang luha at inabot ang aking pisngi para punasan ang akin.

"Noong napagtanto ko 'yon. Naisip ko... halos ialay mo ang buhay mo para saamin, kahit wala nang maiwan sa'yo. Kaya wala akong karapatan na magalit at magdamdam sa'yo kung isang araw, makahanap ka ng ibang tao na gusto mong protektahan bukod sa pamilyang 'to..."

Crystal BreezeWhere stories live. Discover now