CB11

22.2K 689 127
                                    

CB11

"Miss Ponce," malamig na bigkas ni Sir Rion bilang pagbati. "I didn't expect a visit from you."

Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Wala naman akong nakitang kakaiba ngunit hindi pa rin ako mapakali. How long was she alone here? Damn it!

"I'm sorry for coming unannounced."

"I'm afraid I can't entertain you. I have a coming meeting wi-"

"I won't take too much of your time, Mr. Legrand," ngiti nito. My eyes stung while watching her expression. I don't know if she's naturally like that or she's purposely being seductive today.

Hindi ako mapalagay. Hindi ko alam kung dahil ba isa siya sa mga suspects kaya ganito ang nararamdaman ko o may mali lang talaga sa kanya.

"Alright."

I clenched my jaw when I heard Sir Rion's approval. Binitawan ni Sir Rion ang aking pulso at humakbang papalapit sa kung nasaan si Camilla, agad akong sumunod. Ang paghakbang ko ang tila nakapukaw ng atensyon ng babae. She raised her eyebrow at me and looked at Sir Rion.

"Privately, Mr. Legrand."

Agad akong natigilan sa paglalakad. Ganon din ang ginawa ni Sir Rion at lumingon saakin. I withdrew my eyes from Camilla and look back at Sir Rion. Matapang ko siyang tinignan.

Kahit sabihin mo pang umalis ako ay hindi ko iyon gagawin. So don't say it, Sir...

Kumurap siya at inalis ang tingin saakin. Binalik niya iyon kay Camilla na agad namang ngumiti sa kanya noong mapansin ang atensyong nakukuha kay Sir Rion. Huminga ako ng malalim at agad humakbang sa tabi ni Sir Rion dahil nararamdaman ko na ang sasabihin niya. I don't wanna go out.

"Mis-"

My heart leaped and I wasn't able to continue what I was about to say when I felt his hand in my stomach, pulling me back on his side even before I walk past him. His arm is on the small of my back, trying to keep me in place.

Gulat ko siyang nilingon ngunit hindi saakin nakatutok ang kanyang atensyon.

"I don't want to keep her out without a company, Miss Ponce. If you really wanna talk to me peacefully, she has to be here or else you can leave now," walang pag-aalinlangan nitong deklara habang diretso ang tingin dito.

Agad akong natuwa dahil sa kanyang sinabi. Binalik ko ang tingin kay Camilla at napansin ko ang saglit na pagdaan ng inis sa kanyang mukha. Saglit na umikot ang kanyang mga mata kasabay ng pag-alis ng inis na nakita ko.

"Don't worry, I won't mind your business," I said.

Lumingon siya saakin at ngumiti. Mabilis lang iyon dahil lumingon din agad siya kay Sir Rion.

"If that's what you want, then..."

Sir Rion nodded. "Good."

He turned to me and leaned to whisper in my ear.

"On my desk," bulong niya.

I smiled at him and pretended to touch his arms softly. Pinakawalan niya ang bewang ko pagkatapos noon. I stepped forward and gave another smile to Camila which she answered the same, too.

"I'm sorry for being rude. I'm Camilla Ponce, anyway," pakilala niya at inabot ang kanyang kamay saakin.

Sinundan ko iyon ng tingin bago ko binalik ang tingin ko sa kanya. I nodded at her.

"Nice to meet you, Miss Ponce. Please excuse me," mahinahon at nakangiti kong paalam sa kanya. Hinayaan kong nakalahad lang ang kanyang kamay noong nilagpasan ko siya. Hindi ko na inabala kung ano pa mang magiging reaksyon niya sa ginawa ko.

Crystal BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon