Prologue

54.6K 1.1K 393
                                    

CB0

Prologue

"Hi, Miss! Let's dance!"

Hindi ko pinansin ang sinabi ng lalaking nasa harap ko at agad ko siyang hinawi paalis sa dinaraanan ko. I continued doing that to almost all of the people in the dance floor. Kumunot ang noo ko noong halos masuyod ko na yata ng dance floor ay hindi ko pa rin nakikita ang pakay ko.

"Wala sa left-wing ng second floor..."

"Not on the right-wing, either." magkasunod kong rinig sa earpiece na suot ko.

"Syn?" rinig kong tawag saakin.

I sighed. "Not on the dance floor."

"You!"

Otomatiko akong napaikot dahil mayroong biglang humila sa aking pulso. Natagpuan ko ang inis na mata ng isang lalaki habang maghipit ang hawak nito sa pulso ko. Bumaba doon ang tingin ko saglit bago ko binalik sa lalaki ang tingin ko.

Sa sobrang gulong dance floor, kami lang ang nananatiling nakahinto.

"How dare you push me?"

Ah. Is he one of those?

"I'm sorry." mabilis kong saad upang maiwasan ang mahabang diskusyon. Babawiin ko sana ang braso ko para makaalis na ngunit mas lalo niya itong hinigpitan.

"Sorry? Are you freaking serious?"

"Syn, is everything okay?" rinig ko muli sa earpiece ko. Inignora ko iyon.

"Let go."

Sumighal siya at tila mas nainis. "Aba! Ikaw pa ngayon ang matapang! Miss, may I remind you that you're jus-"

Tinaas ko ang braso ko kung saan nakahawak ang kanyang kamay. Using my other free hand, I held his wrist and squeeze it as the same time as I moved my hips a little backward. The man uttered indistinct murmurs as he wasn't able to continue what he was saying. He's now more focused on his twisted arm that I was already holding.

"I don't have time for this," I said and push him off at the same as letting his wrist go.

Agad akong tumalikod papalayo sa kanya at nagpatuloy sa paghahanap.

"What was that?"

I ignored it. "Sa labas ako maghahanap."

Noong makaalis ako sa dance floor ay mas naging madali ang paggalaw ko. I doubled the speed of my steps and went out of the club. Dumiretso ako sa parking lot habang patuloy kong iniikot ang mata ko sa paligid. Kusang bumagal ang paggalaw ng paa ko noong mapansin ko ang bulto ng isang lalaki sa hindi kalayuan. Mabagal itong naglalakad habang nakatutok ang kanyang mga mata sa camera na hawak.

"Found him..." I whispered lowly.

Rinig ko ang mga sagot nila saakin mula sa earpiece na suot ko ngunit pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko para puntahan ang lalaking kanina ko pa hinahanap. Mabuti na lang at naabutan ko siya dahil mukhang paalis na ito!

Habang naglakakad ay mabilis din ang paggalaw ng kamay ko. Ginulo ko ang buhok ko at kinagat ang aking mga labi para papulahin ito. I removed my suit and throw it away. I unbuttoned the two upper buttons of my white dress shirt to show off my cleavage. Ayokong ginagawa ito ngunit sigurado akong tatakbo ito agad kung makikita ang orihinal kong suot.

Sa isang mabilis na galaw ay hinablot ko ang camera niya mula sa kanya. It was easy because he's not on his guard. Abala pa siyang ngumiti habang tinititigan ang mga kuha niya.

Gulat at galit na tumaas ang tingin ng lalaki saakin.

"What the f-"

"What kind of magic does this thing has that you can't even pay me a glance?" I asked using my womanly voice. I smiled at him teasingly and bit my lower lips. "I finally got your attention..."

Crystal BreezeWhere stories live. Discover now