CB28

17.9K 684 226
                                    

CB28

Panay ang pahid ko ng luha habang binabagtas ang daan pabalik sa mansyon. Hating-hati ang pag-iisip ko para kay Sir Rion at kay Kuya. I felt like I was being torn in half... or I just wish I really can be torn that way so that I would never have to decide like this.

It's excruciating. Sobrang laki ng takot ko para sa kanilang dalawa. Parang lahat ng araw-araw kong hinihiling na huwag magkatotoo ay nagpapakita na sa harap ko. I only have few people I wanted to protect... so why... why did it turn out like this?

In the end, I don't have any power to stop all of this to happen.

"I'm sorry..." I whispered in the air even if I'm the only one who can hear it.

Everything coincides with my hopelessness. I never experienced a time slower than this, a road as endless as what I am taking, and a pain that's enough to destroy, awaken, and destroy me over and over again.

I am in the middle of this horrifying nightmare where I left my siblings behind and I wasn't even on Sir Rion's side. Sana ay panaginip nga lang ito. Sana ay may gumising saakin... sana...

Hindi ko napigilan ang mga hikbi ko. Ang daming sasakyan ang bumubusina saakin ngunit hindi ko iyon mapagtuunan ng pansin. I continued driving fast, breaking all the rules, ignoring everyone...

Mas lalong tumulo ang mga luha ko noong maalala ko na naman ang boses ni Sir Rion na nagsasabi saakin na wala akong pake-alam para sa mga taong labas sa responsibilidad ko. Naging paulit-ulit iyon saakin kahit kanina pa.

How funny... there weren't even many of them... yet I can't still do anything... Sir Rion, you're right. I'm pathetic... I'm so pathetic.

Agad akong nagpreno noong marating ko ang harap ng mansyon. Bumilis ang tibok ng puso ko noong makita kong bukas ang malaking gate noon. Agad na bumungad saakin ang ilang police cars na naroon. Marami ring mga naka-uniporme na agad kong nakilala.

My knees weakened more. Am I late?

Gamit ang lahat ng natitira kong lakas ay sinubukan kong maging mas malaki sa lahat ng mga nararamdaman ko. Tumakbo ako papasok ng bahay ngunit hindi pa ako nakakalapit sa mismong loob ay may pumigil na agad saakin.

"Miss, hindi ka pwedeng pumasok," ani ng pulis saakin.

Hinawi ko ang kanyang kamay sa akin at hindi ko siya pinakinggan.

"Miss!"

"Let go!"

"Hindi nga pwede! Tsaka sino ka ba? Alam mo ba ang nangyari dito?"

"Dito ako nakatira!" sambit ko at nagpumigilas sa hawak niya. Mas hinigpitan niya ito kaysa kanina kaya hindi ko agad nagawang makawala.

"Bakit may dugo ka sa katawan?"

"Bitawan mo ako please..."

"Mukhang kailangan mong ding sumama saamin sa presinto, Miss..." his word became unclear to my ear when I saw a couple of people being carried out from the house using stretchers.

Mas nanginig ang mga kamay at tuhod ko.

"Are they..." walang lakas kong bigkas habang nakatulala.

"Miss-"

"Syn!"

Mabilis akong lumingon dahil sa tawag na iyon. My body remained to be on high alert even with everything that's going on, after all.

"A-ate Rose..." tawag ko sa unang taong nakilala ko.

"Jusko, Syn!"

My tears fell. Mabilis siyang naglakad papalapit saakin. Her face is moistened and it's very evident that she had cried a lot.

Crystal BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon