CB33

19.5K 817 130
                                    

CB33

Gulat ako na makita rin si Gil dito ngunit hindi iyon katulad ng gulat na nakapaskil sa mukha niya. Unlike Sir Rion who doesn't look like he aged five more years, I saw some changes in Gil's appearance. Of course, he looks older. Bahagya din siyang nadagdagan ng laman.

"Ma'am Syn..." tawag niya saakin.

Tinitigan ko lang siya. Hindi ko alam kung paano sasagot. Babatiin? Tatawagin? Kakamustahin? But the only thing I wanna do right now is to escape from this situation!

"Gil, I'll need a room."

Bumalik ang tingin ko kay Sir Rion noong marinig ko ng unang beses ang kanyang boses. He was still holding my hand and staring at me. Para bang kahit isa lang ang tanggalin niya sa mga iyon ay makakawala ako.

Napalunok ako at bumilis ang tibok ng puso ko. I glance at the end of the escalator on the second floor. I clenched my jaw. It's all useless, huh? I lost him.

"Pero po Sir, si Ma'am Fana po ay nasa-"

"Tell her that something happened so I can't be with her."

"Pero po..."

"Do it," malamig at desidido niyang utos. His eyes are burning me the longer it remains on me.

Pansin ko ang hirap sa tinig ni Gil na kausapin ang kanyang boss. Sir Rion isn't even paying him a glance.

"Okay p-"

"No!" pigil ko kay Gil noong papaikot na siya upang sundin ang utos na binigay sa kanya. I swallowed hard.

"I mean, no, it's okay. I don't wanna interrupt your meeting so I'll just go."

"You won't."

"Si-" I stopped myself from speaking when I realize that Gil's still with us.

Lumingon ako sa kanya na ngayon ay litong-lito na.

"Ma'am? Sir?"

Nagbuntong-hininga ako at tuluyan nang sumuko. Why am I suddenly caught when I was the one who's trying to catch someone a while ago?

"Go."

Tuluyan niyang binitawan ang kamay ko noong iwan kami ni Gil. We stood side by side. I felt uneasy but not like the last time, it was not because of him. My whole system is on adrenaline. I felt like I was reset from who I am five years ago. Gustong-gusto kong umalis at sundan iyong lalaki.

I don't wanna just keep on standing.

"You're supposed to meet someone and I'm also busy. Bakit hindi na lang natin ipagpaliban ito-"

"No."

I immediately closed my mouth and frustratedly groan only in my head. He's still as stubborn as always! Unless he's the one to go, there's no way I can make myself out of this!

Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Pasulyap-sulyap ako sa escalator kung sakaling bababa ba iyong lalaki. I remained wary even without any known danger. Natigilan lang ako sa pagsulyap sa paligid ko noong matapat ang tingin ko kay Sir Rion.

I am with him again. Paanong ganito ang nangyayari ngayon? Sa loob ng limang taon na nagawang hindi magtagpo ng mga mundo namin, bakit pagkatapos ng isang beses na pagkikita ay parang pinaglalapit na naman kami?

Walang nagsalita saamin dalawa habang naghihintay kay Gil. Malayo ang tingin niya sa unahan na parang malalim ang iniisip. Kumurap lang siya at lumingon saakin noong magsalita ako.

"Gil," tawag ko sa secretary niya na papalapit na muli saamin.

Sir Rion looked in the direction where I was looking. Hindi rin nagtagal ay nagawang makabalik ni Gil sa harap namin. Mabilis niyang inabot kay Sir Rion ang hawak niyang keycard at sinabi ang details noon.

Crystal BreezeWhere stories live. Discover now