CB3

25.4K 929 204
                                    

CB3

Dalawang araw pa lang ang itinitigil ko sa mansyon na ito ay pakiramdam ko, puputi na lahat ng hibla ng buhok ko! Sa totoo lang ay wala din akong ginagawa lalo na dahil halos buong araw siyang nagkukulong sa kwarto niya. Kapag lumalabas naman siya ay ilang minuto lang tinatagal. I tried my best to observe him even if all he does is to push me off my limits!

That arrogant bastard! Kung hindi ako pabalang na sasagutin ay pilit akong hinahamong magbitiw!

Akala ko noon ay malawak na ang pasensya ko dahil nagagawa ko iyon sa kapatid ko. Ngayon ay unti-unti nang naglalaho iyon! He's much harder to handle than my Kuya!

"What the hell are you wearing?" tanong niya noong nagkasabay kami sa pagbubukas ng pinto. He was already dressed into a suit. Ang pinagkaiba lang ay tanging puting t-shirt ang suot niyang undershirt kaysa sa usual na dress shirt na palagi kong nao-obserbahan noon sa mga katulad niyang businessman.

Agad kong sinipat ang sarili ko dahil sa kanyang tanong. Just like him, I am on my suit. Ito ang palagi kong suot noon pa man katulad ng lahat ng bodyguards ng Orions-our security company.

"My uniform, Sir."

He glared at me. "Change." matigas niyang utos.

"What?" I asked, masking my annoyance using my straight face.

"If you want me to let you be with me, then change." ulit niya ng may diin. "If someone figured out that you're my bodyguard, I swear..." banta niya.

Huminga ako ng malalim at hindi na nakipagdebate pa sa kanya. Useless naman dahil sa huli ay kailangan ko pa din siyang sundin.

"Yes, Sir."

Tamad akong nag-bow sa kanya at pumasok muli sa loob ng kwarto. I walked towards the comfort room and proceed to the walk-in closet. Hindi pa rin ako sanay na ganito kalawak ang ginagalawan kong kwarto. I didn't even dream of having a room like this before. Siguro ako, kung si Sena ang nandito ay tuwang-tuwa iyon.

Binuksan ko ang isang closet door kung saan may lamang mga bagong damit. Actually noong nag-aayos nga ako ay nagulat ako noong makita kong may laman ang ilang mga closet. Tinanong ko pa si Ate Rose at nakalimutan niya daw sabihin na saakin iyon at pinadala daw iyon ng personal shopper ni Ma'am Marchess.

Wala naman akong planong gamitin sana iyon. Hindi ko naman nakalimutang hindi pwedeng malaman ng ibang tao na bodyguard ako ni Sir Rion, pero hindi ko din ineexpect na pati sa ang pagdadamit ay dapat ko ding baguhin.

I look at myself at the full-length mirror inside this walk-in closet. Napabuntong hininga ako noong ma-realize kong masyado nga akong pormal. But come to think of it, I can also be mistaken as an employee!

Ang arte talaga!

I ransacked the closet for something that I can wear. Madaming pagpipilian kaya hindi iyon naging mahirap saakin. I chose a nice black above the knee A-line dress. It looks a little gothic and vintage because of its mesh see-through long sleeves. Hindi ko na pinalitan ang boots na suot ko. Agad ko ding kinabit ulit ang aking thigh holster sa aking hita.

Pinilit kong ayusin ang mukha ko sa kung ano ang nababagay sa suot ko. Thankfully, I'm not too ignorant about these make-ups because of Sena. Pinag-aralan ko din iyon dati dahil nagagamit ko iyon minsan sa trabaho.

Inaayos ko ang buhok ko habang naglalakad ako palabas ng kwarto. I made sure that my earpiece is well covered by my hair. Natigil ako noong makarinig ako ng singhap sa harap ko.

Ilang beses akong napakurap habang nakatingin kay Bella na malawak ang matang nakatitig saakin.

"Bakit? Hindi ba bagay?" tanong ko at hinagod ang dress na suot ko na tila pinapagpag.

Crystal BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon