CB30

20.1K 735 817
                                    

Hello! Sorry for the delay, I got busy! Enjoy reading and thank you!

xxx

CB30

"Ha!"

Napangiti ako dahil sa malakas at buong sigaw na iyon. Though there are many of them, it sounded solid.

"Two, high kick."

Mataas silang sumipa sa harap nila, ibinaba ang nakataas nilang kanang kamay at sinuntok sa hangin ang kaliwa.

"Ha!"

I pursed my lips as I stare at the fierce look on each of their faces. It would have been scary... it's just that, they are too cute to be feared of.

"One, back. Two, step."

Napukaw ang atensyon ko noong magbukas ang pinto at may sumilip na ulo doon. Sumulyap ulit ako sa mga bata bago ako naglakad papalapit doon.

"Watch your hands."

Ngumiti saakin si Hunter at kusa nang tinulak ng mas malaki ang pinto upang tuluyan nang pumasok. May dala-dala itong paper bag at ito ang agad niyang pinakita saakin. Tumaas ang kilay ko sa kanya.

"Kuya Hunter!"

Napangiwi ako dahil doon. Hunter guiltily smiled at me especially when the kids started running in his direction. Napunta ang kanyang atensyon sa kanila pagkatapos.

"Kuya! Nandito ka ulit!"

Huminga ako ng malalim at pinabayaan nalang sila. Hindi na ako umalis sa posisyong tinigilan ko dahil sinalubong na rin naman siya ng mga bata. Pinanood ko nalang sila habang pinapalibutan nila si Hunter.

"Hello!"

Seriously... these kids. Gustong-gusto talaga nila si Hunter.

Naalis ang tingin ko sa kanilang lahat noong nahagip ko sa gilid ng mata ang isa sa mga bata na nanatili pa rin sa posisyon niya. Siya na lang ang natitira ngayon doon. Naka-indian sit na siya at nakatungo habang pinaglalaruan ang kanyang yellow belt.

Kumunot ang noo ko habang pinapanood siya. I smiled a little and decided to approach him.

"Aza..."

Tumaas ang kanyang mukha noong narinig niya ang pagtawag ko. I smiled at him and sat down in front of him.

"Are you tired already?" tanong ko at hinawi ang kanyang buhok. Medyo basa iyon dahil sa pawis.

"No..." nguso niya habang nakatitig saakin.

Lumaki ang ngiti ko habang nakatitig sa kanyang inosenteng mga mata. He's such a handsome little guy. It's obvious that he has mixed races. Matangkad din ito kumpara sa mga ka-edad niyang bata. He possesses a vibe that somehow tells me he'll be great someday. Kasi naman, bata pa lang ay may angking tapang na.

"Do you wanna eat? Gutom ka na ba?"

"Miss..."

"Hmm?" malambing kong saad.

Para kaming may sariling mundong dalawa habang maingay na pinagkakaguluhan ng ibang mga bata ni Hunter sa likuran namin.

"Do you like Hunter?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa kanyang tanong. Natigil ako sa pagsuklay sa kanyang buhok at awkward na tumawa. Sumulyap ako kay Hunter saglit. Napansin niya ata ang atensyon ko kaya lumingon din siya saakin.

"Miss!"

Lumingon ako kay Aza pabalik noong tawagin ako nito. Mas lalong lumaki ang nguso niya noong humarap ako.

Crystal BreezeWhere stories live. Discover now