CB37

20.8K 682 137
                                    

CB37

"I told you, he's the one who excused himself."

"Nakakahiya pa din..."

He smirked at me and leaned on his desk. "You didn't even notice that he left a while ago."

Umiwas akong ng tingin sa kanya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng dalawa kong pisngi dahil sa hiya. Ngayong kumalma na ako ay tsaka lang muling pumapasok saakin lahat ng ginawa ko kanina.

"I'll call him now. Do you want him to go back here or we'll just continue the talk next time?"

"Ayos lang ba kung bumalik siya dito?"

"Of course. I'm sure, he's still around," sagot niya saakin habang nagti-tipa sa kanyang cellphone. Pagkatapos noon ay inilagay niya ito sa tapat ng kanyang tenga. Ang kanyang mga mata naman ay lumipat saakin.

Tumayo agad ako mula sa kinauupuan ko. My eyes drifted to the door of the comfort room. Awkward na bumalik ang tingin ko sa kanya. He raised his eyebrow at me.

"It's me," he said to the person he's talking to on the phone. Maybe it's Atty. Rivera.

Tinuro ko ang CR sa kanya gamit ang hintuturo ko bilang pamamaalam.

"Yeah... she's okay. Where are you?"

Noong tumango siya saakin ay agad akong tumalikod at lumapit sa duffel bag ko. Kinuha ko doon ang isang pouch bago ako naglakad na papunta sa comfort room.

"I see. Yes, it's okay... we'll wait here."

Noong sinarado ko ang pinto ay nawala na sa pandinig ko ang boses niya. Binaba ko ang pouch ko sa countertop at humarap sa salamin. Namumula ang mukha ko lalo na ang ilong ko. Hindi naman gaanong namamaga ang mata ko pero pansin pa rin ang pag-iyak ko.

Agad akong naghilamos bago ko muling tinitigan ang sarili ko.

What am I really doing?

Kapag wala siya sa paligid ko, buo ang loob ko sa mga dapat kong gawin at iwasan. Pero kapag nandyan na siya, ni hindi ko na maalala ang lahat ng 'yon. Like it's okay to fool myself over and over again...

Umiling ako at mariing pinikit ang mata ko. Inilagay ko ang dalawang palad ko sa sink at yumuko.

C'mon, Syn. You shouldn't be thinking of other things.

I started fixing my face the moment I was able to compose myself again. Noong natapos ako ay hindi na ako nagtagal at lumabas na din.

Rion's eyes immediately went to me when I walk out of the comfort room. Naroon pa rin siya sa harap ng desk niya at abala sa kanyang cellphone.

"Are you hungry?" tanong niya.

Umiling ako. Tumigil ako noong nasa may receiving area na ako ng kanyang opisina. I'm just not sure if I'm supposed to walk closer to him. I decided not to.

"Si Attorney?"

"He's on the way."

Tumango ako at umupo sa kinauupuan ko kanina. I reached for my duffel bag to put the pouch back on it. The atmosphere became silent. Wala sa loob akong natulala.

I thought about how Kuya died, how we lose him, and the pain of the fact that we'll never see him again. And here are the people who took his life away... free and enjoying their lives.

Hindi ko iyon matanggap. Kahit gaano pa katagal ang lumipas, hinding-hindi ko iyon matatanggap.

"What are you thinking?"

Crystal BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon