CB10

23K 716 206
                                    

CB10

Isang sulyap lang ang ginawad niya saakin bago siya tumayo sa pagkakaupo sa couch. Huminga ako ng malalim at patagong inirap ang mata ko bago sumunod sa kanya. He went inside the elevator and waited for me to go in, too. My eyes widened a little when I saw him press the "B" button in there.

Teka! Bababa kami? Akala ko ba...

Lumipat ang mata ko sa kanya na kampanteng nakatayo sa tabi ko.

"Sigurado ka bang isasama mo ako?"

He looked at me. Binawi niya rin agad ang tingin niya saakin noong marinig namin ang tunog ng elevator, tanda na magbubukas na ulit ito. Noong nagbukas ito ay bumungad saamin ang dilim.

"Let's go."

He stepped out of the elevator with both of his hands in his pocket. He pressed something in the wall and the whole place lit up. Mabagal akong naglakad palabas ng may pagkamangha pa. Hindi iyon dahil may nakikita akong kakaiba sa kung nasaan ako ngayon... hindi ko lang maiwasang maalala iyong sinabi ni Ate Rose saakin noon na hindi pwedeng pumasok dito ang kahit sino kung hindi siya lang.

But here am I...

It was like a house inside a mansion. I don't know if that makes any sense.

Malawak ang buong lugar. Kabaliktaran ng maliwanag at purong itsura ng mga palapag na nasa itaas nito, this basement is filled with dark and gray colors. Consistent naman sa mga furniture ang mga kulay na nasa pagitan ng itim at puti. There were more lights in here compared to the upper floors. That makes sense because it's the basement and there's no source of natural light in here.

Fortunately... from what am I seeing right now, I don't think he's hiding a dead body in here. Mukha naman itong normal at malinis... tama nga si Ate Rose, walang kahit anong kakaiba dito. It's just really his private space. But why did he brought me here?

Lumandas ang tingin ko sa malaking wall bookshelf na abot hanggang kisame. Kumunot ang noo ko. This house doesn't have a library... but there are too many books down here.

Hmm... a secret nerd, spotted.

"Sit down."

Umikot muli ang tingin ko sa paligid habang naglalakad papunta sa mahabang couch. Mayroong maliit na kusina sa kanan ko-o hindi... it doesn't look like a kitchen. Better described, it's a bar. Sa gitna ang living room at sa kaliwa naman ay ang isang bedroom na walang pinto at nahihiwalay lang gamit ang isang wooden slat divider. Mayroong isang pinto malapit dito na hula ko ay banyo.

Umupo ako katulad ng utos niya. Hindi rin nagtagal ay sumunod siya saakin habang may hawak ng baso na may lamang ice cubes at isang bote ng alak. Noong binaba niya iyon sa center table ay doon ko lang nabasa kung anong tatak noon. Jack Daniels.

U-shaped ang couch at nakaupo ako sa parte nitong nasa gilid. Si Sir Rion naman ang nasa gitna.

"You don't drink?" tanong niya habang binubuksan ang bote.

I shook my head. "No..."

Tumaas ang kilay niya saakin bago niya binaling ang atensyon sa sinasalin na alak.

"So typical..." bulong niya habang umiiling. He leaned on the couch, crossed his legs, and drank on his glass.

"What do you mean?"

Nagkibit balikat siya. "That you don't drink... because your job requires you to be a hundred percent aware all the time, right?"

Huminga ako ng malalim at inayos ang aking pagkakaupo. "Ayoko ng lasa ng alak kaya hindi ako umiinom."

Crystal BreezeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt