CB43

20.3K 702 292
                                    

CB43

"Eh, why, Tito? Is my Yaya sick?"

"Nope. She's at your house."

"Then why are you here?"

"Because I'll send you home."

"Why is it you again? You fetched me yesterday! And the other! And other!"

"Don't you want it to be me?"

Nagpipigil ako ng tawa habang nasa likod ako nilang dalawa. Nakataas ang mukha ni Aza upang tanawin ang mukha ng kanyang Tito. Nakahawak naman ang kamay niya sa kamay nito.

Kanina pa sila nagdidiskusyon kung bakit si Rion ang nandito ngayon. Sa totoo lang ay maging ako, hindi ko inaasahan na siya ang susundo kay Aza sa magkakasunod na araw.

"Are you going to buy me some chocolates?"

"Your Mama says you're not allowed for that anymore..."

"But Tito..." mahaba at parang nanlalambing naman na tawag ni Aza. "Mama and Papa won't know..."

I smiled. They are so adorable.

Binuksan ni Rion ang backseat ng kanyang kotse bago inalalayan si Aza sa umakyat. The kid voluntarily sat on the booster seat for him. Rion helped him with his seatbelt.

"Tito Rion..."

"Let's just grab something else."

"Ice cream!"

Rion sighed.

"It will be our secret!" Lumingon ito saakin. "Bye, Miss Syn!" kaway niya saakin habang abala ang Tito niya sa kanya. Malaki akong ngumiti at sinuklian ang kaway niya.

Ginulo ni Rion ang buhok ni Aza bago niya sinarado ang pinto. Umikot siya para harapin ako.

"We'll go now..."

I smiled at him and nodded. "Ingat..."

Nagtagal ang tingin niya saakin bago siya nagbuntong hininga. "I'll call later..."

I licked my dry lips. "It's okay. Baka kailangan mo magpahinga."

He's been really busy with the private investigations and searches. We already got a lead for Harold Molina and Lloyd Sarmiento. Just like we expected, Fred will contact any of them immediately. However, we are still having trouble tracking them. But on the brighter side, he was able to meet with the high-ranking police we last saw with Fred. Hindi ko alam kung anong ginawa niya ngunit ang tanging sinabi niya lang saakin ay wala na akong dapat ipag-alala pa doon.

"I'll still call."

Sumimangot ako. "Mapipigilan ba kita?"

He smirked. "No."

Ngumiti ako at umiling sa kanya. I held my hand to signal him to go inside the car.

"Bilis na. Baka naiinip na si Aza."

Sumuyap ito sa likod niya kahit hindi naman niya matatanaw ang pamangkin dahil heavily tinted ang kanyang sasakyan. Lumingon siya muli saakin pagkatapos. He held my arm shortly.

I smiled. "Bye."

"Take care going home, okay?"

I nodded, still smiling. Tinitigan niya pa ako ng ilang segundo bago siya tuluyang tumalikod at pumasok sa driver seat. Bumaba ang bintana ng backseat noong papaalis na ang mga ito.

"Bye, Miss!" paalam ni Aza habang kumakaway.

"Bye!"

Tinumbasan ko ang energy ni Aza habang nagpapaalam saakin. Binaba ko lang ang kamay ko noong unti-unti na ulit umangat ang bintana at nagsimula na silang umalis. I put my hands on my back and watch them leave.

Crystal BreezeWhere stories live. Discover now