CB36

20.7K 799 115
                                    

CB36

Unknown Number:

Let's meet.

"Bye, Miss!"

Tumaas ang tingin ko at saglit na nagbigay ng kaway sa mga batang nagpapaalam. Binaba ko ulit ang tingin ko sa cellphone ko pagkatapos.

Ako:

Rion?

Kinagat ko ang labi ko at tinitigan ang reply ko. Weird pa din saakin na iyon lang ang tawag ko kahit tama naman siya na hindi na naman ako nagta-trabaho sa kanya.

Unknown Number:

Yeah

Ako:

Bakit?

Agad kong pinalitan ang kanyang pangalan sa aking contacts pagkatapos niya iyong kumpirmahin.

Rion:

You know why.

Napalabi ako dahil sa kanyang reply. Huminga ako ng malalim at ibinaba na muna ang cellphone ko sa aking gilid.

"Miss Syn!"

Lumingon ako sa maliit na boses na tumawag. It was Aza who's already inside their car. Nakababa ang bintana ng backseat at doon siya nakasilip. He was waving his hand to me. Kumaway din ako pabalik. Ngumiti ako sa kanya na parang hindi ako nag-aalinlangan na naman dahil sa Tito niya.

But then, if I ignore everything that's bugging me and focus only on the benefits of his help, it could really be better. Sa totoo lang ay parang imposible na may magawa ako kung sa sarili ko lang ako dedepende. Rion has everything under his power and I can use that. Still...

I sighed deeply.

Noong naubos na ang mga bata ay naglakad na rin ako papasok sa center muli para maglinis saglit. Naabutan ko si Hunter na kausap sila Juliet at Mavi, mga instructors din dito.

"Tara na?" agad niyang aya noong mapansin akong papalapit.

Umiling ako. "Maglilinis pa ako..."

"Nagawa ko na. Konti lang naman eh..."

"Ay nako, sana all na naman," biro ni Juliet. Napalingon tuloy kami sa kanya. She smiled teasingly. "Tara na, Mavi."

Mavi chuckled. "Maghanap ka na kasi!"

"Tse!" Juliet rolled her eyes on him. Lumingon siya saamin pagkatapos. "Una na kami, Ate Syn, Kuya Hunter," paalam niya.

I nodded at her and smile. "Sige... ingat!"

"Baka si Mavi talaga 'yon, Juls!" pahabol na sigaw ni Hunter sa dalawang naglalakad papalayo.

"Ay nako, Kuya! Mag hunos-dili ka!"

I chuckled. Mahina kong tinapik ang braso ni Hunter habang pinapanood ang dalawang pigura papalayo na ngayon ay nagdedebate na.

"Ikaw talaga..." saway ko kay Hunter.

Tumawa siya at umiling. Sabay kaming pumasok sa training room kung nasaan ang gamit ko.

"So, tara na?"

I stopped while getting my bag. Hindi agad ako humarap sa kanya. Mahigpit kong hinawakan ang handle ng duffel bag ko. I swallowed before I turned to face him and put the handle of my bag on my shoulder.

"Hindi ata ako makakasabay..." sagot ko.

Natigilan siya saglit bago kumunot ang noo.

"Bakit?"

Crystal BreezeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora