CB19

19.1K 910 194
                                    

CB19

"Are you sure about this?" tanong niya habang parehas kaming nakatingin sa lalaking kanina pa namin minamatyagan. Hindi kalayuan sa kung nasaan kami ay ang couch na kinauupuan niya kasama ang ilang mga tao na sa tingin ko ay kaibigan niya.

After looking through Elias Ponce's activities since the past few days we saw him, we found out that he mostly spends his nights at clubs. Hindi naman naging mahirap na hanapin sya mula sa mga bars sa paligid. Katulad ngayon dahil nasa paningin agad namin siya...

"If he recognizes yo-"

"He won't," sigurado kong putol sa gusto niyang sabihin at lumingon sa kanya. "Because he hasn't seen me yet."

Madilim ang kanyang ekspresyon ngunit kalmado pa ring nakasandal sa couch. Tinitigan niya ako na parang nag-bababala at nagtitimbang. He exhaled sharply and look away.

"If I sense that something's not going right, I'll pull you out immediately."

Nanlaki ang mata ko. "Hindi pwede! Walang silbi kung magpapakita ka!"

"Then, don't do something stupid."

"I won't! Kaya dito ka na lang at hintayin mo na lang akong makabalik."

Inis ang bumalot sa kanyang mukha. Singhal ang sinagot niya saakin. I know he doesn't want to be boss around but it's my game so he'll have to step back for a while.

"I don't know why I'm tolerating you," medyo mahina niyang sabi at dahil sa malakas na tunog ng tugtog sa paligid ay hindi ko iyon naintindihan.

Nanliit ang mata ko noong mapansin ang pagtayo ni Elias mula sa kanyang posisyon. I straightened my back and stick my eyes on his movements.

"Aalis na ako. Please don't leave this spot so I can still see you."

Alam ko namang nasa loob sila Noah para bantayan siya pero hindi pa rin ako mapanatag kapag wala siya sa linya ng paningin ko.

"Fine."

Saglit akong lumingon sa kanya para mag-iwan ng isang maliit na ngiti bago tumayo. Huminga ako ng malalim bago nag-umpisang maglakad. Habang nasa daan ako papunta sa couch kung nasaan si Elias Ponce ay sinusubukan kong ikondisyon ang sarili ko.

The second floor is not as crowded as the ground floor. Iyon ang kinakatuwa ko dahil madali ko pa ring matatanaw si Sir Rion kahit lumayo ako sa kanya. Yon nga lang, sana ay makinig ito sa mga bilin ko kanina.

My target, approaching my direction made everything easier for me. Kusa kong binangga ang katawan ko sa kanya habang nagpapanggap na aksidente iyon.

"Shit!" mura ko. "Sorry!"

"Woah, Miss," aniya at hinawakan ang braso ko noong halos matumba ako sa gilid niya noong sinubukan kong lumayo.

I chuckled and stood up in front of him while massaging my head. "Sorry ulit."

"You look pretty drunk," ngisi niya habang hawak pa rin ang braso ko na parang inaalalayan ako.

I smiled at shook my head a little. "Just dizzy. I'm headed to the comfort room."

Nagparte ang labi niya at tumango saakin. Lumagpas ang tingin niya sa likod ko bago ako pinagmasdan muli. He smiled.

"The comfort room's that way, though..." he said, pointing behind me.

Lumingon ako sa direksyong tinuturo niya at nagpeke ng tawa.

"Really? Ngayon lang kasi ako nakapunta dito! Sorry about that..." saad ko at binawi mula sa kanya ang braso ko. "And thank you!"

Crystal BreezeOn viuen les histories. Descobreix ara