Chapter 30

2.2K 57 56
                                    

Chapter 30

I didn't wish anything but my mother's love. This feeling is eating me up. Pakiramdam ko ano mang oras ay sasabog ang puso ko sa sobrang saya. Patapos na ang birthday party ni Arcus pero simula kanina hindi ako nilubayan ni Mama.

She was asking me if I am feeling okay, if I am comfortable, if I am hungry. She could pass as my slave if she continue to do this. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya paglalagay ng pagkain. She looked at me worriedly.

"Ayos na po, Ma. Busog na po ako, baka maempacho naman ako niyan..." humalakhak ako kaya napasimangot siya. She still insisted kaya wala na akong nagawa. She didn't changed that much, huh? Mapilit pa rin.

"No. Finish that and I will let you off." She said. Si Daddy ay napailing na lang nang mapatingin ako sa kaniya. Mama has her own way of manipulating me. But this kind of manipulation, I am starting to love it.

"Where's my grandson, Amely? I haven't seen him." Natigilan ako sa pagsubo at agad na bumundol ang kaba sa dibdib ko. Mabilis kong inilapag ang kubyertos na gamit ko saka padarag na tumayo.

Maging sina Daddy ay nagulat sa reaksiyon ko. Nanginginig ang mga labi kong lumabas sa kusina. Mas lalo akong kinabahan noong hindi ko siya makita sa sala! He said he will stay put here! Ayaw niyang kumain kasi busog na busog na raw siya!

Oh my God! Nangilid ang luha ko habang nililibot ang buong bahay. Maging si Daddy ay nagsimula na ring maghanap. Medyo madilim na rin at ito ang ikinakatakot ko! He's new here! Wala pa siyang alam kung paano umikot ang mundo! Hindi ito ang nakasanayan niya at natatakot ako na baka kung saan siya napunta!

"Lucien! Lucien!" voice cracked as I called his name. I wandered in the garden to check if he was there but nothing! Wala akong nakita kahit na anino niya.

Nang bumalik ako sa sala ay nakita kong tinatawagan ni Dad ang guard ng village namin. Hindi ako mapakali kaya wala akong nagawa kung hindi ang mapaiyak! Mama hugged me tightly.

"Mahahanap natin siya, calm down, Amely..." alu niya pa sa akin pero umiling lang ako sa kaniya at napahilamos sa mukha. The fear started to build inside me. The thought of losing my son is driving me crazy!

"Wala siya sa kwarto, hindi ba nagpaalam, anak?" si Daddy na kakapasok lang matapos tumawag sa mga guwardiya. I shook my head at him as a response.

"Hindi ganito si Lucien, Dad! Hindi siya umaalis nang hindi nagpapaalam sa akin. He knows what I can do to him if he do that. And my words are the rules for him, Dad. Lucien is afraid when I am not around!"

Pinunasan ko ang luha ko at nag-plano na hanapin siya sa buong village. Hinawakan ko si Mama sa kamay. "Ma, I will look for Lucien inside the village. Tawagan niyo ako kapag may balita na kayo."

Tumango si Mama sa akin. "Where's Arcus? Nandito lang iyon kanina, a."

Natigilan si Daddy. "Baka magkasama sila ngayon. You know your son, Amanda..." Dad said knowingly. Napabuntong-hininga si Mama na para bang ang laking problema ni Arcus.

"That kid... Saan naman kaya nagpunta iyon?!" tumalim ang tingin ni Mama kay Daddy. "At ano ang sinasabi mong anak ko lang?! Hoy, Calum! Baka nakakalimutan mong anak mo rin iyon!"

Umiling na lang ako sa kanila at nagpaalam na lalabas na. I held my phone tightly while I look around. Pilit kong pinapakalma ang sarili dahil wala akong mapapala kapag nag-panic ako ngayon. I am scared for Lucien. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung mawala siya sa akin!

Napaupo ako sa sidewalk nang mapagod ako. I could feel my knees trembling because of tiredness. Halos dalawang oras akong naghanap sa buong village pero hindi ko mahanap si Lucien! My tears fell as I think of the possibilities of Lucien being kidnapped!

Love You at Your Worst [Runaway Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon